Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Guji Lorenzana, carry ang magpaka-daring sa pelikula
Guji Lorenzana, carry ang magpaka-daring sa pelikula

Guji Lorenzana, carry ang magpaka-daring sa pelikula

WALANG limitasyon sa paggawa ng pelikula at willing magpaka-daring ang newest addition na si Guji Lorenzana na kapipirma pa lang sa Viva Entertainment ng limang taon.

“No! Not really, as long as maganda ‘yung script and role okey lang.

“Kasi right now I wrote a script and it’s a thriller, so if ever na magkaroon ako ng chance na makaarte, I also want action or suspense or thriller, mga ganyan. Feeling ko bagay ako roon so kaya ko yata ‘yun.

Sa mga artistang babae, sino ang gusto mong makatrabaho?

“Si Bella Padilla. She’s really good, magaling siyang artista,” aniya. “Were supposed to have a project before, pero hindi natuloy so maybe now may chance kaming makagawa ng movie together kasi pareho kaming Viva talents.

Sexy role? “Oo naman. If the script calls for it. If may message na ibig sabihin na ganoon ka-risky na eksena na gagawin ko because sometimes you can really tell a story unless you give it at all,” pagtatapos ni Guji.

NADINE, AYAW PATULAN
ANG MGA TAONG
BUMABATIKOS SA KANYA

DEADMA na lang si Nadine Lustre sa mga taong patuloy siyang binibira at lahat halos ng kanyang galaw ay binibigyang kulay.

Tsika ng ilang taong close kay Nadine, hindi apektado si Nadine sa tuloy-tuloy na batikos ng ilang kapatid sa panulat dahil imbes na magalit ito, ginagawa na lang inspirasyon ni Nadine ang mga pagne-nega sa kanya para mas magtrabaho pa ng maayos at dito na tumutok . Aminado si Nadine na bantay sarado ang bawat galaw niya bilang public property dahil artista siya kaya hindi nito nagagawang magalit sa mga taong patuloy ba binabanatan siya.

Maraming bagay pa naman ang puwede nitong gawin kaysa pumatol, katulad ng pagtulong sa mga batang may karamdaman, pagtutok sa kanyang negosyo at iba pa.

Sa ngayon, abala si Nadine mula Monday to Saturday sa pagho-host sa It’s Showtime at tinatapos niya rin ang kanyang album. Lalabas na rin ang kanyang libro at malapit na siyang mag-shoot ng kanyang bagong pelikula habang pinoproseso naman ang susunod nilang telesereye ni James Reid.

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved