Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bembol at Christian, palarin din kaya sa 33rd PMPC Star Awards For Movies?
Bembol at Christian, palarin din kaya sa 33rd PMPC Star Awards For Movies?

Bembol at Christian, palarin din kaya sa 33rd PMPC Star Awards For Movies?

MAY mga sitsit noon na malaki ang tsansa ni Aljur Abrenica na tanghaling Best Actor sa Luna Awards ng Film Academy of the Philippines dahil mahusay talaga ang performance na ipinakita niya sa pelikulang Hermano Pule. Pero hindi naman pala ‘yun nangyari, mali ang haka-haka.

READ MORE:  James, yummy pa rin kahit may asawa na

Sa katatapos na Luna Awards na ginanap sa Resorts World, Manila noong Sabado ay si Bembol Roco ang nag-uwi ng Best Actor trophy para sa pelikulang Pauwi Na. Si Christian Bables, na itinanghal na Best Supporting Actor Urian para sa pelikulang Die Beautiful ang siya ring nanalo sa Luna Awards. Sa darating na 33rd PMPC Star Awards For Movies na gaganapin din sa Resorts World sa September 3, ay nominado rin si Roco for Movie Actor of the Year para rin sa Pauwi Na at si Christian ay nominado rin for Movie Supporting Actor of the Year para rin sa Die Beautiful. Ma-duplicate kaya ng dalawa ang pagkapanalo nila or this time ay hindi sila ang palaring manalo? ‘Yan ang ating aabangan.

READ MORE:  Mga young actor, nakatikim ng suwerte ni Coco
READ MORE:  Aira, buwis-buhay kung magsayaw

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved