Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Expanded STL na lumalarga sa Metro Manila ‘happy & cool’ na nakalulusot sa mata ng PNP
Expanded STL na lumalarga sa Metro Manila ‘happy & cool’ na nakalulusot sa mata ng PNP

Expanded STL na lumalarga sa Metro Manila ‘happy & cool’ na nakalulusot sa mata ng PNP

BILIB na bilib si PNP-NCRPO chief, Director General Oscar Albayalde na walang nakalulusot na jueteng operations sa kanilang mahigpit umanong pagpapatupad ng kampanya kontra illegal gambling.

Katunayan, malakas ang loob ni Albayalde na maghamon, na siya ay magbibitiw sa puwesto (kahit malakas ang bulungan na siya ang susunod na PNP chief) kapag napatunayang siya ay sangkot o tumatanggap ng protection money mula sa jueteng operations sa Maynila.

Si Albayalde ay itinuro umano ng isang ‘maskaradong’ STL company, na isa siya sa matataas na opisyal ng PNP na sumusuporta sa kanila.

Pero mukhang recycle na isyu ito laban kay NCRPO chief Albayalde.

Binubuhay ba ang isyung ito dahil contender siya bilang PNP Chief kapag nagretiro si DG Ronald “Bato” dela Rosa?

Idinidiin ng isang STL company na ‘happy & cool’ na nabigyan umano ng permiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para mag-operate ng expanded STL.

Sa katunayan nag-dry run na umano ang ‘happy & cool’ kahit hindi pa pumapayag ang ibang local government.

Kinukuwestiyon umano ng ibang local governments kung alam ba ng House of Representatives ang expanded STL, kasi sila ang may kapangyarihang mag-apruba ng prangkisa.

At ano ba raw ang ibig sabihin ng expanded STL?! Ito ba ang bagong mukha ng jueteng?

Paging PCSO GM Alex Balutan!

Kung walang prangkisa, klaro umano na walang ipinag-iba ang expanded STL sa jueteng.

Puwedeng sabihing legal ang expanded STL dahil alam o pinayagan ng PCSO, pero lalabas na ilegal ang kanilang operasyon dahil wala silang program operating system.

Rekesitos din umano ang draw machine at draw court para may panghawakang resibo ang mga mananaya. At sa pamamagitan nito direktang maimo-monitor ng BIR at PCSO ang expanded STL.

Kung ganito ang sistema, lumalabas umano na itong expanded STL ay palit-mukha lang ng jueteng.

Sa kasalukuyan, lumalarga na umano ang expanded STL sa Muntinlupa City.

Alam kaya ni Mayor Jaime Fresnedi na pasok sa siyudad niya ang operasyon ng ‘happy & cool’ company? Sino ang nagbigay ng basbas!?

Pero sa mga siyudad ng Las Piñas at Taguig, hindi makaubra ang ‘happy & cool’ kasi ayaw ng sugal ng dalawang Alkalde sa kanilang teritoryo.

Pero totoo ba’ng isang grupo ng mga sindikato sa jueteng ang nakapasok na raw sa expanded STL na pumapapel para sa illegal numbers game gaya ng isang alyas Totoy Maharot Ka, isang Don Ramon Pera at isa pa umanong retired PNP General.

Itinuturo naman ang isang alyas Albano at isang alyas Ai Ai ‘Tomboy’ Say-kon na siya umanong may-ari ng kompanyang ‘happy & cool.’

GM Alex Balutan Sir, may katotohanan ba ‘yan?!

1602 PA RIN
SA MAYNILA

KA JERRY, bookies ng STL cum weteng ay nasa loob ng gusali sa Matimyas St. Apat na district director ng MPD na ang dumaan pero smooth sailing pa rin ang operation nina EDNA/ENTENG na naka-umbrella kay 1602 bagman cop SPO2 FRESNEDI. May isa pa sa boundary ng Sampaloc at Blumentrit na nasa ikalawang palapag ng gusali! ‘Yan ba ang bawal ang sugal sir?

+639155019 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved