Thursday , February 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julia, to the rescue kay Joshua kapag ‘di na makasagot sa Q&A; pagho-holding hands sa likod huling-huli
Julia, to the rescue kay Joshua kapag ‘di na makasagot sa Q&A; pagho-holding hands sa likod huling-huli

Julia, to the rescue kay Joshua kapag ‘di na makasagot sa Q&A; pagho-holding hands sa likod huling-huli

AYAW naming isiping hindi kayang ipagtanggol ni Joshua Garcia ang sarili niya kaya parating to the rescue ang leading lady niyang si Julia Barretto sa ginanap na presscon ng pelikula nilang Love You To The Stars And Back mula sa direksiyon niAntoinette Jadaone produced ng Starcinema.

Tinanong si Joshua ng entertainment press kung kailan siya nagsimulang manligaw kay Julia na kaagad niyang sinagot ng, ‘ngayon po’ at may nabanggit ding seloso siya.

Kaya ang follow-up question sa aktor ay kung kailan niya naramdaman na gusto niya ang aktres, nangyari ba ito during the shoot ng Vince Kath and James o pagkatapos maipalabas.

Matagal bago nakasagot si Joshua na tila nag-iisip ng sasabihin at maraming nakakita na nag-holding hands sila ni Julia sa likod dahil siguro para mawala ang tension ng aktor.

Kaya sinabihan ang aktor ng, ”medyo may buffering ka, mahina ang connection”na ibig sabihin ay baka hindi naintindihan ni Joshua ang tanong.

“Noong look test palang po rati bago mag-‘VKJ’ (Vincent Kath and James), crush pa lang po rati,” kabadong sagot ng aktor.

Sumunod na tanong ay kung kailan siya nagsimulang manligaw, ”noong time na (nag-iisip na naman) simula noong ano (natigilan), simula nito, simula ngayon (2017).”

TAKOT MA-REJECT

At dahil nabanggit nga na 2017 ay sinundan ng tanong kung ano na ang development ng panliligaw ni Josh kay Julia dahil Enero siya nag-umpisa at Agosto na ngayon.

Napangiti muna ang aktor sabay sabing, ”ganoon pa rin po.”

Anong ganoon pa rin, simula January hanggang August walang nabago? ”Opo, ganoon pa rin po,” seryosong sagot na ni Joshua na tila nairita na.

Kaya sinalo na siya kaagad ni Julia ng, ”ibig niya (Joshua) pong sabihin…”

Kaagad pinutol ang pagsagot ng aktres dahil hindi naman siya ang tinanong kaya hayaan nitong sagutin ni Josh ang mga tanong, ”kawawa naman po kasi siya,”pagtatanggol ni Julia, ”baka magkamali sa sagot,” hirit pa.

Pero idiniin ng nagtatanong na, ‘kaya niya ‘yan, lalaki siya kaya kailangan siya ang sumagot.’

Umayon naman si Joshua at sabay sabing, ”ano na nga ho ulit ‘yung tanong?”kaya inulit naman din.

“Nanliligaw pa rin po pero malalim na po talaga ang pinagsamahan namin at mas kilala na namin ang isa’t isa,” seryosong sagot ng aktor.

Ano ang dapat gawin ni Josh para sagutin na siya ni Julia? ”Nakakatakot pa rin po kasing magtanong sa kanya hindi mo rin ini-expect kung ano ang puwede niyang sabihin, eh. Puwede siyang mag-hindi, eh. Kasi sa ngayon, ‘yung trabahong pumapasok sa amin, ang hirap sayangin. Kung (natigilan ulit) kasi nakakatakot talagang magtanong, oo natatakot po ako,” paliwanag ng aktor.

Sundot na tanong kung bakit may ganoong pagdududa si Josh kay Julia, ”kasi parang lahat naman tayo natatakot ma-reject,” diretsong sabi nito.

Bakit naman naisip na ire-reject, eh, umamin naman si Julia na espesyal sa kanya ang leading man niya sa Love You To The Stars And Back?

“Kasi po talaga, wala po ako, ako po kasi ang taong insecure, mababa ang confidence (level) ko,” pag-amin ng aktor.

Hindi naman na kailangan ni Joshua na mawalan ng confidence dahil halata namang gusto na rin siya ni Julia kaya ano pa ba ang ikinatatakot niyang magtanong?

“Pero hindi rin naman ninyo ako masisisi kung ganoon ang nararamdaman ko, ganoon po ako na lumaki na,”seryosong sabi ng aktor.

Sa tanong kung nasubukan na niyang ma-reject, ”hindi pa.”

PAGKAPIKON
NI JOSHUA
SA SUNOD-SUNOD
NA TANONG

At dahil hindi na nag-elaborate si Joshua at napansing nairita na ay ipinasa na ang tanong kay Julia na base sa mga post nito sa social media account ay tanggap ang aktor ng pamilya niya. Sa pamilya ng aktor ay tanggap din ba siya?

“Na-meet ko na po ‘yung family ni Joshua,” tila may tension ding sagot ng aktres.

Base sa obserbasyon ng entertainment press na dumalo sa presscon ay naramdaman nilang tila hindi nagustuhan ni Joshua ang mga sunod-sunod na tanong sa kanya.

Kaya tinanong siya kung napikon siya sa Q and A at nag-thumbs up ang aktor na ikinaloka ng lahat.

Kanya-kanyang komento na ang press na hindi dapat ganoon ang naging reaksiyon ng aktor dahil unang-una presscon ito at kung hindi nila gustong sumagot ay puwede naman silang makiusap na ibahin na lang ang tanong o topic.

May nagsabi pang entertainment editor ng broadsheet, ”hindi niya napaghandaan ang mga tanong? Dapat ibini-brief muna sila o baka naman hindi siya sumunod.”

Kaya naman pagkatapos ng Q and A ay kaagad kinuyong ng media ang JoshLia.

JULIA, IPAGLALABAN
ANG KA-LOVETEAM

“Na-tense ako, ha!” ito kaagad ang bungad ni Julia sa lahat.

At dahil nasa likod kami nina Josh at Julia ay kitang-kita naming mgkahawak ang mga kamay nila, ang kaliwang kamay ng aktor ay panay ang hagod sa beywang ng aktres samantalang sa may bandang puwitan naman ng aktor nakahawak ang dalaga.

Tinanong si Julia kung bakit sinasalo niya si Josh sa Q and A at emosyonal silang dalawa?

“Personally kasi when you see somebody who is special to you, you feel for him, so whatever he’s dealing, I’ll fight for him. I’m very protective,” katwiran ng aktres.

At ang paliwanag naman ng aktor sa pagiging emosyonal nito, ”Hindi kasi, nasabi ko na kasi ‘yung sagot, ayaw ko na lang pahabain pa. Hindi naman ako napikon, ‘yung thumbs off (ibig sabihin), okay lang.” Sundot ni Julia, ”I asked him kasi kung okay lang siya.”

“May mga experience rin naman ako sa buhay na nahi-hit (nasapol),” pag-amin ng aktor.

MAY GUSTO RIN
KAY JOSHUA

Inamin din ni Julia na kilalang-kilala na niya si Josh kaya naiintindihan niya kung bakit ganito ang naging reaksiyon ng binata sa Q and A.

Samantala, muling tinanong ang JoshLia kung ano na ang update sa relasyon nila, mabilis ang sagot ng aktor, ”actually, tanong ko na lang ang hinihintay din niya, kasi natatakot nga ako.”

Sabay tanong kay Julia kung may nararamdaman siya kay Josh, ”hindi ko naman siya (pinagbawalan), siyempre pinayagan ko siyang manligaw kasi may gusto rin naman ako talaga sa kanya,” pag-amin ng aktres.

Nagulat si Josh at ang ganda ng ngiti at naghiyawan pa ang ilang entertainment press na nakarinig.

“At para hindi na po humaba, ‘yun na po talaga ‘yun,” diin pa ni Julia.

“Salamat talaga, kasi gusto niya ako,” masayang sabi ng aktor.

At naikuwento na rin ni Julia na hinahanap ng pamilya niya si Joshua kapag may family gatherings sa pamilya Barretto.

MAG-ON NA AT BOTO
SI DENNIS PADILLA

Mag-on na at boto si Dennis Padilla

Inamin ding boto ang ama nitong si Dennis Padilla kay Josh at anak ang tawag nito sa binata.

Hayan, maliwanag, sa presscon ng Love You To The Stars And Back nagka-aminan ng mahal nina JoshLia ang isa’t isa. So magsyota na sila, Ateng Maricris.

Mapapanood na ang pelikula sa Agosto 30 nationwide at bukod kina Joshua at Julia ay kasama rin sa pelikula sina Ariel Rivera, Carmi Martin, Carmina Villaroel, Edgar Allan Guzman, Maricar Reyes-Poon, Eda Nolan, Joaquin Reyes, Belle Mariano, at Cherie Pie Picache.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved