Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 8 pelikulang kasali sa CineFilipino Film Festival 2018, inanunsiyo na
8 pelikulang kasali sa CineFilipino Film Festival 2018, inanunsiyo na

8 pelikulang kasali sa CineFilipino Film Festival 2018, inanunsiyo na

INIHAYAG ni Direk Joey Reyes, namumuno sa kompetisyon na taon-taon ay lalong gumaganda ang mga entry na sumasali sa Cine Filipino Film Festival.

“Every year, the entries just get more and more engaging to the Filipino viewer. Kuwento ang hari rito. And the story should always be increasingly appealing to its audiences, very original and Filipino. It is also very heartening to note that most of the eight feature films that made it to the list are products of newcomers,” ani Direk Joey.

Buong pagmamalaki ring sinabi ni festival director Madonna Tarrayo, na sa kanila nagsimula ang ngayon ay isa sa pinakamagaling at highest grossing film director, si Sigrid Andrea Bernardo.

Ang walong feature-length movie na nakapasok sa CineFilipino Film Festival 2018ay ang Delia & Sammy ni Therese Cayaba; Mata Tapang ni Rod Marmol; The Eternity Between Seconds ni Alec Figuracion; Excuse Me Po ni Ron Batallones; Poon ni Roni Benaid; Hitboy ni Bor Ocampo; Kahit Man Lamang Kung Maari ni Donalyn Baltazar; at Mga Mister ni Rosario ni Ronal Allan Habon.

READ MORE:  Paul, pusong Kapamilya

Umabot sa halos 150 films ang naisumiteng entry sa kanila.

Bukod kay Bernardo na ang debut films na Ang Huling Chacha ni Anita sa filmfest na ito rin nagsimulang makilala ang director na si Randolph Longjas (Buy Now, Die Later, Star na si Van Damme Stallone).

Kabilang sa bumubuo ng selection committee bukod kina Direk Reyes, Tarrayo, kasama rin sina Central Digital Lab’s Manet A. Dayrit, Director Hannah Espia, Director Joel Ruiz, Mr. Lilit Reyes, at si Bayani San Diego.

READ MORE:  Ratings ng Eat Bulaga sa Mega Manila ilang dekada nang namamayani sa ere

Kasabay ng walong pelikulang nakapasok ay ang paghahayag ng partnership ng CineFilipino Film Festival sa Cignal Entertainment.

“Cignal is a distribution platform. There are many opportunities for people to watch all the movies we will select- maraming avenues, that is very important for any filmmaker,” ani Tarrayo.

Aniya pa, ”Knowing that there is a ready avenue for their films to be shown will certainly be inspiring. Organized and led by Unitel and partnered with the MVP Group including Cignal Entertainment, the CineFilipino Film Festival is how we truly celebrate Filipino films and their creators.”

Sinabi naman ni Jane Jimenez Basas, presidente ng Cignal Entertainment, ”We are in the business of providing premium content for our viewers’ discriminating tastes. Conversely, we also want to be the venue for more filmmakers to show their groundbreaking masterpieces. Cignal Entertainment and CineFilipino feature films are very much in sync in that pursuit.”

READ MORE:  Kathryn-Daniel loveteam, sinisira

Ang deadline ng submission para sa Short Film at Digital Content Categories ay extended sa September 30, 2017. Pipili ng 11 student finalists at 11 non-student finalists (Student Sub-Category and Open Short Feature Category respectively) at pipili rin ng 11 finalists para sa Digital Content Category.

Sa March 2018 naman magaganap ang 3rd CineFilipino Film Festival.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved