Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris Aquino may hugot na naman sa ex na si James Yap
Kris Aquino may hugot na naman sa ex na si James Yap

Kris Aquino may hugot na naman sa ex na si James Yap

REACT to the max si Kris Aquino sa mga naging pahayag ni James Yap sa interview ni Arnel Serato ng PEP na mukhang suko na ang basketeer sa anak na si Bimby dahil nararamdaman niya na ayaw nito sa kanya at kahit numero daw ng cellphone ay hindi niya puwedeng kunin.

Narito ang ilan sa mahabang mensahe na ini-post ni Kris sa kanyang Facebook page. “There’s come a point when being QUIET doesn’t cut it anymore. I tried my best to be PROPER, to maintain dignified silence for the sake of PEACE – but when the other party is again playing the sympathy card, the mother in me just has to say ENOUGH IS ENOUGH.

“James Yap, stop using Bimby for publicity, most especially when your opening a BAR (District 8 Manila kung saan kasosyo ni James sina Vice Ganda at Daniel Padilla)! That is the wrong venue to be discussing your relationship (or in this case lack of one) with your son. The proper thing to do would have been answer. This isn’t the correct venue to discuss my relationship with my son and I would appreciate if you could respect our privacy.

“I have so many presscons and launches over the years and in the past few months – but it seems there is so much more going on in my life that the subject of James Yap has rarely come up; and for the sake of Bimb’s well-being I made the conscious effort to put the past behind.

“The simple truth is this and I am addressing this directly to the man who doesn’t want to give our 10 year old son peace.”

Ibinuko rin ni Kris na tatlong taon nang hindi sinusustentohan ni James ang kanilang anak para sa tuition fee nito sa school na lahat ay sino-shoulder na ng TV host actress.

So sa madaling salita ay walang karapatan na magreklamo si James lalo na kung totoo ang mga paratang sa kanya ng dating karelasyong si Kristeta.

COCO MARTIN DUMALAW
AT NAMIGAY NG REGALO
SA MGA SUNDALONG
NAKIPAGBAKBAKAN SA MARAWI

Tinupad ng ABS-CBN ang kahilingan ng Arm Forces of the Philippines (AFP) ang hiling ng mga sundalo na makita nang personal ang role model ng mga pulis, ang bidang aktor sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin. At hindi lang si Coco ang nakisaya sa proyekto ng Kapamilya na “Saludo sa Sundalong Pilipino” na ginanap kamakailan sa auditorium ng AFP Medical Center kundi maging ang mga co-star ni Cardo sa primetime series sa pangunguna ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Susan Roces at The Voice Season 2 finalist na si Daryl Ong ay nakisaya rin at nag-perform sa harap ng mga sundalo at mga pamilya nito.

Nakisaya ang ABS-CBN executives na sina sir Carlo Katigbak, ma’am Cory Vidanes, direk Laurenti Dyogi, Dreamscape business unit head sir Deo Endrinal at presidente ng ABS-CBN Corporate Communications na si sir Kane Errol Choa sa event, na ideya ng ABS-CBN news reporter ng TV Patrol na si Chiara Zambrano.

Personal na nasaksihan ni Chiara ang mga sakripisyo at paghihirap ng militar noong nasa Marawi siya upang mangalap ng balita ukol sa bakbakan.

Para naman maipagpatuloy ang pagdadala ng aliw ng ABS-CBN sa mga sundalo, isang TV set at isang ABS-CBN TV plus ang ibinigay ng network sa ospital na ipinagkaloob kay Jean Año, ang maybahay ng AFP chief of staff na si sir Eduardo Año.

Naghanda rin ng grocery packages at personal care kits para sa mga sundalo ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya na ibinahagi mismo ng buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ipinaalala ni ABS-CBN Intergrated Public Service head Jun Dungo sa mga sundalo ang suporta ng buong ABS-CBN sa kanilang laban.

“Katuwang n’yo po kami, ang buong ABS-CBN, sa adhikain na magkaroon ng mapayapang Filipinas at magkaroon ng ligtas na lipunan ang kasalukuyang henerasyon at susunod na henerasyon. Saludo kami sa inyong lahat!”

Samantala nagpahayag rin si Coco ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa kinabibilangang network at sa mga bayaning sundalo. “Salamat sa ABS-CBN. Sila po ang aming nakakasama sa mga ganitong pagkakataon upang makapagbigay ng tulong at maiparamdam ang pagmamahal sa lahat ng Filipino at sa mga sundalong tulad n’yo. Utang na loob namin ang buhay namin sa inyo. Panoorin ang “Saludo sa Sundalong Pilipino,” na handog ng ABS-CBN tampok ang buong cast ng “FPJAP” online sa www.facebook/abscbn.News/. Patuloy rin na subaybayan gabi-gabi ang undisputed no.1 show sa buong bansa pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

GABRIEL PINAMANAHAN
NANG MILYON NI VICTORIA
SA “IKAW LANG ANG IIBIGIN”
(Carlos at Rigor magkakontsaba,
Roman natatakot sa imbestigasyon
laban sa kanya)

SA kabila ng trato sa kanya na malayong-malayo ang loob ay pinamanahan si Gabriel (Gerald Anderson) ng isang milyon ng inang si Victoria (Ayen Munji-Laurel) na aksidenteng napatay ni Roman (Michael de Mesa) dahil sa bugbog. Gusto na itong makuha ni Gabriel, kay Roman para matustusan ang pagpapagamot sa kanyang Lola Ganda (Gina Pareno) na inatake at naka-confine sa ospital dahil hindi kinaya ang pagsasampa ng kaso ni Maila (Bing Loyzaga) sa anak na si Rigor (Daniel Fernando) dahil sa atraso nito noon pa sa ina ni Bianca (Kim Chiu).

At dahil gipit sa pera at kailangan nang makabayad sa hospital at makabili ng gamot ay gusto nang makuha ni Gabriel ang perang iniwan sa kanya ni Victoria pero nag-demand si Roman na ibibigay lang niya ang nasabing halaga sa binata kapag itinigil na niya ang pag-iimbestiga sa kanya at sa kaso ni Victoria.

Hindi tumitigil si Gabriel sa paghahanap ng hustisya lalo’t ramdam niya na malaki ang kinalaman ni Roman sa pagkamatay ng kanyang nanay. Samantala patuloy na nakikipagsabwatan ngayon si Rigor kay Carlos (Jake Cuenca) laban kay Gabriel.

Sa simula pa lang ay hawak na ni Rigor ang buong katotohan na matagal nilang isinikreto ni Victoria na si Carlos ang tunay nilang anak at hindi si Gabriel. Kailangan makinabang rin siya sa yaman ni Carlos. And this week episode’s of Ikaw Lang Ang Iibigin ay labanan na ng karapatan at ang paghaharap nina Maila at Rigor sa korte kaya’t subaybayan ang kaabang-abang na mga tagpo sa kauna-unahang triathlon soap opera sa local TV na inyong napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN Prime Tanghali.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved