Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julian at Ella, mas tamang hangaan sa pagiging wholesome
Julian at Ella, mas tamang hangaan sa pagiging wholesome

Julian at Ella, mas tamang hangaan sa pagiging wholesome

KUNG iisipin at nagpasya siyang manatili na lang si Korea, siguro isang malaking star na roon ngayon ang male star na si Julian Trono. Pero mas pinili niyang magbalik sa Pilipinas at tingnan muli ang suwerte niya sa sariling bayan. Mukhang suwerte naman siya dahil inilo-launch na siya bilang bida ngayon sa pelikulang Fan Girl, Fan Boy.

Minsan kasi iyang pagiging artista, hindi naman iyan basta sumikat ka lang at kumita ka ng maraming pera eh. Minsan gusto mo rin naman na kung sisikat ka ay doon na sa sarili mong bayan. Palagay namin tama ang ginawang desisyon ni Julian. Ngayon pa lang ay marami na ang humuhula na ang love team nila ni Ella Cruz ang maaaring makapalit ng isang sikat na love team, na alam na ninyo medyo tumatagilid dahil sa ilang problema.

Wholesome naman sina Julian at Ella eh, na sa tingin namin mas tamang hangaan.

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved