Tuesday , June 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Gilas, inabo sa FIBA Asia Cup KO quarterfinal (Korea, nagliyab)
Gilas, inabo sa FIBA Asia Cup KO quarterfinal (Korea, nagliyab)

Gilas, inabo sa FIBA Asia Cup KO quarterfinal (Korea, nagliyab)

NAGBALIK na nga ang kinatatakutang multo ng Gilas Pilipinas.

Malagim ang paghihiganti ng South Korea na naging kalunos-lunos na karansan ng Gilas Pilipinas, na waring ibinagsak ang buong ngitngit ng kalangitan sa 118-86 panalo sa knockout quarterfinals ng 2017 FIBA Asia Cup kamakalawa ng gabi Sa Nawfal Nouhad Sports Complex sa Beirut, Le-banon.

Tandang-tanda ang masaklap na 86-79 kabiguan kontra Pinas sa FIBA Asia Championship semi-finals noong 2013, ibinuhos lahat ng Korea ang kanilang galit sa isang pambihihrang pananalasa nang sila ay nagbuslo ng 16 sa 21 tira sa tres at lumamang nang hanggang 34 puntos.

Dikit sa 49-57 papasok ng halftime, naabo sa 29-13 bulusok ng Korea sa third quarter at hindi na nakabangon pa sa malaking 62-86 pagkakaiwan papasok ng huling kanto.

Waring isang mandirigmang sumalang sa isang batalyong Koreano si Terrence Romeo nang pangunahan ang pag-aalsa ng Gilas sa ikalawang kanto kung kailan niya iniskor ang lahat ng kanyang 22 puntos upang maputol sa 8 puntos ang dati’y 16 puntos na kalamangan ng Korea.

Ngunit iyon na ang huling sigaw ng Filipinas sa tuluyang pagratsada ng Korea sa semi-finals.

Nagdagdag ng 17 puntos si Christian Standhardinger habang mayroon namang 12 at 11 puntos sina RR Pogoy at Jayson Castro para sa Gilas na makakatapat ang Lebanon sa Sabado para sa classification match-ups.

Samantala, sasagupain ng Korea ang higanteng Iran sa sa semi-finals ng pinaka-prestihiyosong patimpalak sa kontinente.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved