Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Christian Bables, handing mag-frontal kung kailangan
Christian Bables, handing mag-frontal kung kailangan

Christian Bables, handing mag-frontal kung kailangan

SA launching ng IdeaFirst Company talents na sina Cedrick Juan, Adrianna So, at Christian Bables, hindi naiwasang mas maraming nagtanong sa nanalong Best Supporting Actor sa katatapos na 40th Gawad Urian para sa pelikulang Die Beautiful.

Umani ng papuri si Christian bilang si Barbie na bestfriend ng pinakabida sa Die Beautiful dahil maski na ang huli ang bida ay nag-shine rin nang husto ang una.

At nabanggit na hindi magandang follow-up ang pelikulang I Finally Found Someone bilang sidekick naman si Christian ng bidang lalaki dahil hindi man lang nagmarka o hindi ganoon kabigat ang karakter ng baguhang aktor.

Kaya tinanong ang baguhang aktor kung alam ba niya na ganoon lang ang role niya sa pelikula nina JLC at Sarah Geronimo?

Umuling si Christian kaya nagkatawanan ang lahat, pero may maganda siyang paliwanag tungkol dito.

“’Yung sa original story po, iba (role), kaso nagbago-bago po ng script. Noong ipinitch po sa amin (kasama manager) ‘yung character ko, maganda naman po and John Lloyd-Sarah po ‘yun, so medyo na (starstruck) po, kaya tinanggap po namin.

“Eh, since nagbago-bago ang script, hindi na po nasunod ‘yung ipinitch sa akin na story, pero masaya naman po ako,” nakangiting pahayag ng aktor.

Maraming natutuwa sa IdeaFirst talent dahil taklesa at hindi pa showbiz sumagot kaya sinunod-sunod siya ng tanong ng entertainment press.

Nabanggit din na kinuha siya ni Direk Chito Rono sa pelikula na planong isama sa 2017 Metro Manila Film Festival na hindi pa sure ang aktor kung isasama o hindi dahil hindi naman siya binibigyan ng tamang sagot ng direktor.

Natanong kung totoong may frontal nudity si Christian sa pelikula ni direk Chito.

“Wala pong frontal, pero kita po ‘yung pwet ko,” diretsong sagot ng aktor.

Dagdag pa, ”hindi naman po ako pinag-frontal, puwet lang ang kailangan sa scene. Kung hiningi po (frontal), opo naman po.”

Naghiyawan ang press kaya nagtatakang nagtanong ang binata kung bakit, ”kung hinihingi po, gagawin ko po,” sabi pa ni Christian.

Hiningan ng kaunting kuwento si Christian kung bakit kailangan niyang magpakita ng puwet sa nasabing pelikula.

“Parang coming of age po na mayroon akong girlfriend doon na parang last na naming pagkikita, so nag-do po kami ng girlfriend ko. Bale first and last po naming pagdo-do,” seryosong kuwento ng binata na ikinaloka ng lahat dahil kaswal lang na binanggit ang terminong ‘do.’

“Probinsyano po kasi ako, tapos sumunod ako ng Manila kasi sa Manila nagtatrabaho ‘yung girlfriend ko, so iyon po ang last naming pagkikita kaya sa bahay po niya kami nag-ganoon (do). So roon po kami nag-do,” ulit-ulit na sabi ng aktor.

Ano naman ang relevance ng puwet sa istorya, ”eh, kasi po nagdo-do!” walang malisyang sagot ulit ni Chrisitan kaya hagalpakan na naman ang lahat.

Pinuri naman ng lahat ang bagong alaga nina direk Perci M. Intalan at direk Jun Lana sa pagiging diretso nitong sumagot at walang restrictions sa mga role na gagampanan niya.

Kaya tinanong kung hindi siya tatanggi kapag sinabing maghubad siya?

“Opo, depende po siguro sa istorya at sa direktor ko siguro po that’s’ how I love my craft, sobra ‘yung passion ko po sa acting, sobrang umaapaw po. So kung ano po ‘yung tunay na nangyayari sa buhay, willing po akong gawin,” paliwanag ni Christian.

Kung sakaling pumasok ang pelikulang ikinukuwento ni Christian na nagpa-puwet siya sa MMFF ay mapapanood siya sa dalawang pelikula dahil kasama rin siya sa Ghost Bride movie ni Kim Chiu na si direk Chito rin ang direktor na produced ng Starcinema na isasali rin sa 2017 MMFF.

Ang kaso may ruling ang MMFF na bawat direktor at main artists ay isa lang ang entry.

Samantala, may TV project si Christian, ang Born Beautiful na mapapanood sa Cignal Cable TV na pareho rin ang karakter niya bilang si Barbie na magsisimula palang i-shoot ngayong Setyembre.

“Namatay na po kasi si Trishia (Paolo) kaya kuwento naman ni Barbie itong ‘Born Beautiful’, bale spin-off po,” sabi ni Christian.

At dahil bading pa rin si Christian sa Born Beautiful ay tinanong kung nagpa-wax siya ng binti niya dahil ang ganda at ang kinis, ”ay stockings lang po iyon. Marami po akong buhok sa legs,” maagap na sagot ng binata.

Kaya napasok si Christian sa Ideafirst Company ay dahil naniniwala siya na magiging maganda ang career plan niya dahil ang nasabing kompanya rin ang nagbigay sa kanya ng break sa I Love You To Death nina Kiray Celis at Enchong Dee na sinundan ng Die Beautiful.

(Reggee Bonoan)

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved