Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jemina Sy at Rayantha Leigh, special guest sa show na Team… Love sa Music Box
Jemina Sy at Rayantha Leigh, special guest sa show na Team… Love sa Music Box

Jemina Sy at Rayantha Leigh, special guest sa show na Team… Love sa Music Box

MAGKAKAROON ng fund raising show ang aming grupong TEAM (The Entertainment Arts & Media) at TJC Entertainment na pinamagatang Team… Love sa August 16, 2017 (Wednesday), 8 pm, sa Music Box, Timog na tatampukan ni Ms. Token Lizares at mula sa direksiyon ni Throy Catan.

Bukod kay Ms. Token, tampok din dito sina Patricia Javier, Mart Escudero, Tori Garcia, Mavi Lozano, Badong Twins, Allen Cecilio, Gart Garcia, Adrian Gabriel, Daryl Reynes, at Josh Yape. Special guest naman dito sina Atty. Jemina Sy, Rayantha Leigh, at Pantene Palanca.

Si Atty. Jemina ay nakalabas na sa pelikulang Bubog ni Direk Arlyn dela Cruz at may tatlong kasunod na movie pa ito. Kabilang dito ang Recipe For Love na pinagbibidahan nina Christian Bables at Cora Waddell, directed by Joey Reyes, Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina ni Direk Arlyn dela Cruz na tinatampukan nina Ara Mina, John Estrada, at Elizabeth Oropesa, at The Barker ni Empoy Marquez, directed by Dennis Padilla.

May upcoming TV show din si Atty. Jemina na isang legal show, ang Legally Yours, Jemina. Ayon kay Atty. Jemina, bukod sa pag-arte ay hilig din daw niya ang pagkanta. “Pareho kong passion talaga ang singing at ang acting, e,” aniya.

Si Rayantha naman ay itinuturing na special day ang August 16 dahil natapat ang araw ng show sa pag-release ng digital single niya. “Happy ako sa show namin sa Music Box at magiging memorable po ito sa akin dahil ito ‘yung araw na ilalabas sa Spotify, iTunes, at iba pa ang aking single na Nahuhulog.

Sa show po sa Music Box ay kakantahin ko ‘yung single ko na Nahuhulog, Roses by Chainsmokers, Ako Na Lang by Zia Quizon, Photograph by Ed Sheeran.

“Masaya po ako ‘pag nagpe-perform, lalo na ‘pag masaya rin ang audience dahil gusto ko pong mapasaya at ma-entertain ang mga tao.

“Thankful po ako na maire-release na ang digital copies ng aking single na Nahuhulog composed by Gala Angeni Sanchez at susunod pa ‘yung iba kong kanta, dahil puwede nila itong i-download at mapapakinggan nila thru cellphone o anumang gadgets,” esplika ni Rayantha.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved