Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / HB 6028 o Reversion to Maiden Name Act ni rep. GMA malaking tulong sa single moms
HB 6028 o Reversion to Maiden Name Act  ni rep. GMA malaking tulong sa single moms

HB 6028 o Reversion to Maiden Name Act ni rep. GMA malaking tulong sa single moms

MALAKING tulong ang panukalang batas na “reversion to maiden name act” sa mga babaeng pinamanahan lang ng apelyido ng lalaking pinakasalan sila pero hindi naman talaga nila naging partner sa buhay.

O hindi nila nakatulong sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

Sa totoo lang, sa lipunang gaya sa Filipinas, ang isang babae na gumagamit ng apelyido ng tatay niya o ng kanyang maiden name ay nagiging biktima rin ng diskriminasyon at panlalait.

Mismong mga kabarong walang kamulatan, ang pasimuno ng tsismis kapag hindi ginagamit ng isang babae ang apelyido ng kanyang asawa.

Sasabihin, hindi siguro kasal, naanakan lang.

Bagama’t katawa-tawa na ang ganitong mga kaisipan ngayon, masasabi pa rin nating diskriminasyon ito sa mga babaeng may malayang kaisipan.

Kaya naman, malaking tulong ang inihaing panukalang batas ng dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na House Bill No. 6028 (Reversion to Maiden Name Act).

READ MORE:  When it rains it pours… Martin Diño

Sa ilalim ng nasabing panukala, maaari nang ibalik ng isang babae ang kanyang kinalakihang apelyido sa panahon ng legal separation, annulment o declaration of nullity ng kasal, nang hindi na kailangan ng court order.

Sa ngayon mayroong batas sa Filipinas na ang kasal na babae ay may karapatang mamili kung ano ang gagamitin niyang apelyido, ngunit kapag nagamit na ng babae ang apelyido ng asawa, hindi pumapayag ang batas na magbalik sa kanyang apelyido sa pagkadalaga nang walang utos ang korte.

Ayon sa dating Pangulo at ngayo’y mambabatas, “In order to truly realize the woman’s right to use her maiden name, the present measure deletes the tedious and expensive court process that might be associated therewith.”

Sabi nga, sinisimulan ang kalayaan ng isang tao sa kanyang identidad o pagkakakilanlan. Kung hindi kayang palayain ng isang babae ang kanyang sarili sa isang lumang kaisipan na nakahahadlang sa kanyang pag-unlad, paano niya ituturo sa kanyang anak ang pagiging independiyente?!

READ MORE:  Eastern Samar Gov. Conrado Nicart, Jr. comatose nga ba?

Pero noon pa man, naitanong na ito ng manunulat na si Lualhati Bautista sa kanyang nobelang Dekada 70 sa pamamagitan ng karakter na si Amanda Bartolome: “Bakit ba ang apelyido ng mga babae ay nanggagaling sa lalaki?”

Sana magkaroon ng batas na pagtuntong sa edad 18 anyos ng isang babae, makapamili siya ng mamanahin o gagamiting apelyido — apelyido ng nanay o apelyido ng tatay.

Ano sa tingin ninyo, mga suki?

PINATALSIK NA BARANGAY
CHAIRMAN NA SI JEREMY
MARQUEZ ITINALAGA
SA HUDCC!?

Aba, e muntik nang mapaso ng mainit na kape ang inyong lingkod nang mabasa natin na itinalaga bilang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang anak ng aktor na si Joey Marquez na si Jeremy Marquez

Napakasuwerte namang bata talaga.

Katunayan, 10 Agosto 2017 pa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang appointment.

READ MORE:  E-trikes sa Maynila, sino ba ang kikita?

Dating barangay captain ng BF Homes sa Parañaque City sa loob ng tatlong termino si Jeremy ngunit pinatalsik bilang Liga president dahil hindi sumunod sa napagkaisahan nilang kasunduan ng kanyang mga kasamahang opis-yal.

Kaya nawala siya sa Konseho ng lungsod.

Noong 2016 elections, tumakbo si Jeremy bilang vice mayor sa ilalim ng Nacionalista Party at sinuportahan ang kandidatura ni Duterte.

Pero natalo siya sa kandidato ng Liberal Party na si Jose Enrico Golez.

‘Yan lang ang puna natin sa administrasyong ito.

Wala na ba silang makuhang ibang tao maliban sa mga pinatalsik sa puwesto at kandidatong talo?!

Wala na po bang iba?!

Iba naman po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved