Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anak ni Randy, pumanaw sa edad 24
Anak ni Randy, pumanaw sa edad 24

Anak ni Randy, pumanaw sa edad 24

NAKIKIRAMAY kami sa pamilya nina Randy Santiago at Marilou Coronel-Santiago sa pagkamatay ng anak nilang si Ryan Leonardo Santiago sa edad na 24 noong Linggo ng gabi.

Base sa pagkakatanda namin, dalawang taon na ang nakararaan nang ma-diagnose si Ryan ng fungal virus at ilang beses siyang sumailalim sa operas-yon at labas pasok sa hospital.

Ayon sa mga nakakilala kay Ryan sa showbiz na madalas kasing isinasama noon ni Randy sa mga show niya, makulit at masayahing bata, bukod pa sa plano nitong sundan ang yapak ng ama at uncle Rowell Santiago kaya siya kumuha ng kursong Multi-media sa De La Salle University.

Co-host dati si Randy ni Sharon Cuneta sa programa nitong The Sharon Cuneta Show at karay-karay ng TV host/actor/songwriter ang anak na si Ryan at siya ‘yung kalaro ng mga staff dahil nga tabachingching at makulit.

READ MORE:  Andrei, walang balak agawin si Liza kay Enrique (kahit crush ang dalaga)
READ MORE:  Daisy Romualdez, nagpupuyos sa galit sa pagkatalo ni Tina Paner

Ito ang mga kuwento ng ilang staff na nakasama ang anak nina Randy at Marilou noong bagets pa na pawang masasayang memories ang naalala.

Bumuhos ang pakikiramay ng lahat ng nakasama ni Randy sa showbiz kasama ang buong cast ng La Luna Sangre na kabilang ang aktor sa programa bilang comic relief at may gusto kay Gelli de Belen.

READ MORE:  Kris at Kuya Boy, wagi sa Asia Rainbow TV Award

As of this writing ay wala pa kaming alam kung saan ilalagak ang abo ni Ryan na na-cremate na kahapon at kagabi naman ibinurol sa La Salle Greenhills Chapel.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved