Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Tirador’ ng GF ng utol muling nanghalay ng 16-anyos kolehiyala
‘Tirador’ ng GF ng utol muling nanghalay ng 16-anyos kolehiyala

‘Tirador’ ng GF ng utol muling nanghalay ng 16-anyos kolehiyala

NAGREKLAMO sa mga awtoridad ang isang 16-anyos dalagita na sinasabing hinalay ng kapatid ng kanyang nobyo sa San Antonio, Parañaque City, nitong Sabado.

Salaysay ng biktimang kolehiyala, natutulog siya sa bahay ng nobyo nang mangyari ang insidente.

Magkatabi aniya siya at kanyang kasintahan sa itaas ng double deck na kama habang nasa baba naman ang 24-anyos suspek.

READ MORE:  Killer ng misis ni Papa Dom positibo sa ballestic, DNA tests

Bumaba aniya ang kanyang nobyo sa basement para mag-charge ng cellphone, ngunit nakatulog doon at hindi na nakabalik sa kuwarto.

Sa puntong ito umano hinalay ng suspek ang biktimang nakadamit panloob at cycling shorts.

Itinanggi ng warehouse man na suspek ang paratang at sinabing bukal sa loob ng biktima ang nangyari.

READ MORE:  Twin eruption malabo — Phivolcs

Aniya, “May nangyari po sa amin. Pero ‘di ko matatawag na rape.”

Hindi ito ang unang beses na inireklamo ng panghahalay ang suspek, ayon kay San Antonio Barangay Chairman JR Sanchez.

READ MORE:  Batilyo kritikal sa fish dealer

Ayon kay Sanchez, inireklamo rin ang suspek ng panghahalay sa nakaraang nobya ng kanyang kapatid at kinasuhan dahil sa pagpapakalat ng sex video.

Desidido ang biktima na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Habang tumangging magbigay ng panayam ang kapatid ng suspek.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved