Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Suzette Doctolero, na-bash sa pagbatikos sa Nabubulok
Suzette Doctolero, na-bash sa pagbatikos sa Nabubulok

Suzette Doctolero, na-bash sa pagbatikos sa Nabubulok

DAHIL sa kanyang buong kaprangkahang post sa social media about how “trashy” ng pelikulang Nabubulok, umaani ng maraming batikos si Suzette Doctolero.

Kesyo may mas karapat-dapat daw na pelikulang kalahok sa Cinemalaya ay kung bakit ito nakasama. As the very title suggests, nabubulok din ang pagkakagawa nito.

Si Suzette na rin mismo ang nag-imbita ng kanyang mga basher, ipinunto ng mga ito ang ginagawa naman nitong pangongopya sa mga kuwentong isinusulat niya para sa GMA.

READ MORE:  Daniel at taxi driver, pinagbati ni Tulfo!

Kung tutuusin, malaya naman si Suzette to give her two cents’ worth. Eh, kung pangit naman according to her standards(?) ang Nabubulok, she must be stating a fact.

Nakalimutan lang ni Suzette ang “backfire effect” nito sa kanya, hayun, even her body of work ay nakukuwestiyon.

Hindi kailangan ni Suzette na maging isang film critic para manuri ng pelikula. Playwright nga siya, pero gaano na ba kalawak ang kanyang kaalaman sa mga material sa wide screen?

READ MORE:  Ka-holding hands na girl ni JC, ‘di raw niya GF

Mayroon na ba siyang naisulat na naisapelikula? Or hindi siya nangahas mag-venture into film scriptwriting dahil kapos pa siya?

READ MORE:  Kahirapan, madalas isinasangkalan sa mga reality contest

Mauunawaan siguro ng mga netizen kung isang established film worker si Suzette. Kaso, kung sa telebisyon nga’y nilalait ang kanyang mga likhang kuwento, sa pelikula pa kaya?

Magpakaangas sana si Suzette if she has a name to boot in film.

Pero sa ngayon, she remains to be an obscure name!

HOT, AW – Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved