Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bloggers susugod sa Palasyo
Bloggers susugod sa Palasyo

Bloggers susugod sa Palasyo

BASTA blogger ka at may 5,000 followers, puwede nang i-cover si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

‘Yan ang isyu ngayon na maigting na tinututulan ng mga mainstream media na nakatalaga sa Malacañang.

Naniniwala tayo na ang ganitong pagluluwag ay maituturing na ‘security nightmare.’

Ngayon, kung gustong pagbigyan ng Pangulo ang ‘hilig’ o ambisyon na ‘yan ng mga blogger, aba ‘e gumawa sila ng hiwalay na forum para sa mga blogger.

READ MORE:  Daytime truck ban ni Iskorap (Isko-Erap) perhuwisyong tunay!

Puwede sigurong once a month, every three months o kahit once a year na lang.

E hindi pa nga nauumpisahan, ang tatapang na ng mga blogger.

Sino ba ‘yung pinagbantaang papatayin? Si Joseph Morong ba?!

Aba ‘e isumbong ninyo ‘yang blogger na ‘yan kay Joel Egco, ang hepe ng Presidential Task Force on Media Safety!

Kidding aside, kung sinoman ang henyong nakapag-isip na ‘ihalo’ ang mga blogger sa mainstream media sa pagko-cover kay Pangulong Digong, ay may maitim na planong durugin ang ‘pamamamahayag’ sa Palasyo?!

READ MORE:  PH delikado pa rin sa mamamahayag; Sa tala ng Reporters Without Borders (RSF)

Nakita naman ninyo ang asal at kostumbre sa social media ng ibang mga basher ‘este blogger, daig pa nila ang nakabili ng kapangyarihang manglait, magmura, mandahas at manakot. E paano pa kaya kapag nakatuntong na sa Palasyo ang mga ‘yan?!

READ MORE:  Anyare sa peace and order ng Maynila?!

Sa ganang atin, dapat muling repasohin ni Press Secretary Martin Andanar ang desisyon na ipa-cover sa mga blogger…

Isa itong security nightmare.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved