Saturday , August 19 2017
Breaking News
You are here: Home / News / P9 pasahe sa jeepney ihihirit ng transport group
P9 pasahe sa jeepney ihihirit ng transport group

P9 pasahe sa jeepney ihihirit ng transport group

MULA P8 pasahe, nais ng grupong PCDO-Acto na gawin itong P9 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel at matinding trafik sa mga kalsada.

Sinabi ni Efren de Luna, presidente ng nabanggit na grupo, ihahain nila ang kanilang petisyon sa dagdag-singil sa pasahe sa susunod na linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Bukod sa mataas na presyo ng diesel na ginagamit ng mga jeepney, halos wala aniyang rin kinikita ang mga driver dahil sa mabagal na pag-ikot sa pasada bunga ng trafik, at mahal na halaga ng piyesa ng sasakyan.

Sa ngayon, umaabot sa mahigit P32 kada litro ang presyo ng diesel.

Habang ayon sa isang opisyal ng LTFRB, agad nilang isasalang sa pagdinig ang ihahaing petisyon ng grupo.

About hataw tabloid

Scroll To Top