Saturday , August 19 2017
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Museo Pambata casino ‘err’ Rizal park hotel ganansiya para kanino?!
Museo Pambata casino ‘err’ Rizal park hotel ganansiya para kanino?!

Museo Pambata casino ‘err’ Rizal park hotel ganansiya para kanino?!

SI Gat Jose Rizal, tinindigan ng fotobam sa monumento, ngayon naman ay ipinangalan sa casino.

Ay kasawiang tunay sa doktor na Pambansang Bayani ng bayan.

Hindi natin alam kung nakatutuwa o nakaiinis ang paggamit sa pangalan ni Gat Jose Rizal sa isang hotel na dating Army Navy Club.

Binuhay umano ang Army Navy Club (katabi ng Museo Pambata) at ginawang Rizal Park Hotel…

Ipinangalan pa kay Rizal pero sa totoo lang, isa palang casino. Sino ba naman ang mamumuhunan nang hindi tiyak kung kikita o dadayuhin?

Hindi ba’t inamin mismo ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chairperson Andrea “Didi” Domingo na wala na raw siyang magagawa dahil naaprubahan ito noong nakaraan pang administrasyon?

Naman, Madam Didi?!

Parang hindi naman kami sanay na naririnig sa iyo ang ganyang mga rason.

Noong araw ay hinangaan ka sa Bureau of Immigration (BI) dahil kaya mong baliin kahit utos ng hari kapag alam mong labag sa tama.

E bakit iba ang katuwiran ninyo ngayon?

Inaamin ba ninyo, Madam Didi na parang inutil na kayo?!

Arayku!

Ano kaya ang masasabi ng mga nabubuhay pang National Artists lalo ni National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman Virgilio “Rio Alma” Almario na ang “Rizal Park” ay ipinangalan sa isang casino?

Ito ba ay magiging mainit na diskusyon lang sa pamomolitika gaya ng nangyari sa ‘pambansang fotobam’ pero nanaig pa rin na ituloy ang konstruksiyon ng gusali?

Rizal Park Hotel & Casino?

Tsk tsk tsk…

LINGKOD
BA ‘YAN?!

PUKAW na mo!

(Pasintabi kay Kakang Rene Sta. Cruz…)

Aba’y marami ang napamura nang “ma-in the bag” ng isang ‘awardee’ kuno ang parangal mula sa isang kilalang institusyon…

Aba’y lingkod bayan ba ‘ikan’yo?!

Ano?! Lingkod ba ‘yan?!

Baka lingkod-intelihensiya!

Ang daming tunay na matitino, mahuhusay at lingkod bayan na law enforcers sa buong Filipinas pero ‘yang isang ‘yan, kahit sa ga-kulangot na paghahambing hindi uubra ‘yan!

Sa husay niyan magbuhos ng ‘pabango’ sa namamantot na ‘camouflage’ e kaya na niyang talunin si Isko!

Ay sus!

‘RECOGNITION
AS FILIPINO FOR SALE’
IMBESTIGAHAN NA!

ISANG ulat ang ating natanggap na umabot na raw sa tanggapan ng OMBUDSMAN ang lumabas na report tungkol sa anomalya ng pagkakaloob ng ‘instant’ recognition as Filipino citizens na naganap noong panahon ng panunungkulan ni RIP ‘este RPL (Ronaldo P. Ledesma) as Officer-In-Charge ng Bureau of Immigration (BI).

Umabot na umano ito noon sa kaalaman ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez nang may isinulong na formal complaint ang ilang concerned BI employees ng kagawaran tungkol sa nangyaring ‘citizenship for sale’ gaya nito.

Hindi raw kasi matanggap ng ilang empleyado na minsan ay nagawang pagkakitaan ang kanilang ahensiya gayong noong panahon na umupo as BI-OIC si RPL ay sandamakmak na empleyado muna ang sinibak para sa pagpapakitang-gilas umano sa nagpuwesto sa kanya na si former Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa.

Tsk tsk tsk!

Kalakip umano sa isinumiteng complaint sa OMBUDSMAN ang mahigit sa 100 dokumento ng pinirmahang recognition ng kwestionableng intsik bilang ebidensiya.

Omeygad!

Karami pala!

Ayon sa complainants, hindi lang daw 100 tsekwa ang nakinabang noon sa instant Pinoy program ni Ledesma kundi umabot sa mahigit 300 aliens na karamihan ay mga taga-mainland China?!

Wattafak!?

Parang nag-feeding program lang sa public school huh?!

Dagdag pa riyan, umaabot raw sa 300 daang libo hanggang 500 daang libo ang singilan noon para ikaw ay mapagkalooban ng isang recognition?

Para palang tumama sa grand lotto ang mga sangkot diyan!

Siyempre mawawala ba sa eksena ang notoryus fixers ng Immigration na sina Betty Boop Chowchow at Anna Seymoh na pawang BFF ng ateng at inang?

Sila raw ang mga nagpasasa noong mga panahong ‘yun.

Kita n’yo naman hanggang ngayong panahon na ni Tatay Digong namamayagpag pa rin ang mga mag-BFF sa BI!

Mas mabuti siguro kung ngayon pa lang gumawa na ng imbestigasyon sina SOJ Vitaliano Aguirre at BI Commissioner Jaime Morente bago pa man umabot sa radar ng Kamara at Senado.

Panigurado marami ang papatol sa naturang issue lalo at involved ang bentahan ng PAGKAKAKILANLAN bilang isang FILIPINO!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top