Wednesday , October 18 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tanya Bautista, babaeng gusto nang makasama ni Vhong habambuhay
Tanya Bautista, babaeng gusto nang makasama ni Vhong habambuhay

Tanya Bautista, babaeng gusto nang makasama ni Vhong habambuhay

MARIING sinabi ni Vhong Navarro na malapit na silang ikasal ng girlfriend niyang si Tanya Bautista. Ayaw lang niyang magdetalye pero ito ang tiniyak niya sa presscon ng pelikula niyang Woke Up Like This under Regal Entertainment, Inc.na katambal si Lovi Poe. Showing ito sa August 23.

“Basta malapit na ‘yan, ayoko lang sabihin kung ano ‘yung taon, kasi baka naman ma-ano pa, basta malapit na,” bulalas ng actor.

Kilala na nila ang isa’t isa at ayaw na niyang maghanap pa ng iba. Ito na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

“Kumbaga, nagkaka-edad ka na, hindi natin alam kung ano ang masasabi natin. Gusto ko, hangga’t nandiyan siya, masigla pa kami. Huwag naman ‘yung uugod-ugod na kami at saka ko siya yayayaing pakasal,” saad pa niya.



Medyo na-delayed ang plano niyang pagpapakasal dahil sa kasong kinasangkutan niya kina Deniece Cornejo at Cedric Lee. Pero idiniin niya na bibiglain na lang niya ang girlfriend kaya hindi siya nagsasabi pa ng araw o buwan.

Sa mga pagsubok na pinagdaanan niya at kasong kinasangkutan, ipinauubaya na lang niya sa Diyos.

“Ako naman kasi, lahat ito, sinabi ko ng totoo. Hindi ako nagsisinungaling. Wala akong itinago. Kung ano ang naging kamalian ko noon, nambabae ako, sinabi ko naman ‘yun. Pero wala akong inagrabiyadong tao. ‘Yun lang, hanggang doon na lang muna ako,”sambit pa niya.

Kinunan din ng reaksiyon si Vhong sa kasong kinasasangkutan ng grand champion ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtimena si Noven Belleza. Nalagay din kasi siya sa ganitong isyu noong 2014. Sana ay maayos at lumantad talaga kung ano ‘yung tama para magawan ng paraan. Sana ay lumabas ang katotohaan.



Challenging kay Vhong ang kanyang papel sa Woke Up Like This dahil mahirap gampanan ang pagiging sosyal na ‘Sabrina’. Napaka-special sa kanya ang role na nagkapalit sila ng katauhan ni Lovi.

Natutuwa rin siya kay Lovi dahil napakagaling na artista!

“Professional. Kumbaga, lahat pinag-aralan niya, basketball, pati pagsasayaw. Wala po kaming narinig na reklamo. Hindi namin akalain na ang galing pala ni Lovi sa comedy.Hindi lang sa drama. Hindi madaling gayahin siya. Nahirapan ako sa pag-i-English dito sa pelikula. Ilang takes kami rito at pinagtatawanan ako,” kuwento pa ni Vhong.

Kasama sa Woke Up Like This sina Raikko Matteo, Yanna Assistio, Cora Waldel, at Dionne Monsanto. Ito ay sa direksiyon niJoel Ferrer. Showing na sa August 23 under Regal Entertainment, Inc..

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top