Saturday , October 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / #PlayItRight inilunsad kasabay ng Pista ng Pelikulang Pilipino (Laban sa piracy upang maisulong ang local film industry)

#PlayItRight inilunsad kasabay ng Pista ng Pelikulang Pilipino (Laban sa piracy upang maisulong ang local film industry)


MULA sa kaliwa ay sina SVP, Corporate Communications for Globe, Yoly Crisanto; SVP, Content Business for Globe, Nikko Acosta; VP, Digital Ventures for GMovies, Glenn Estrella; FDCP Chairperson Liza Dino; at Globe Chief Commercial Officer, Albert De Larrazabal.

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Globe Telecom sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamagitan ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) para sa kanilang #PlayItRight—isang advocacy para mahikayat ang publiko na panoorin ang mga pelikulang Filipino sa lehitimong paraan. Ito’y upang matulungan ang mga lokal na filmmakers at mga manggagawa na mapalakas ang industriya na kasalukuyang apektado dahil sa piracy.

Sa pamamagitan ng PPP, nabigyan ng pagkakataon ang mga independent film producers na makibahagi sa pinakamalaking Filipino film festival. Dito naibahagi ng Globe ang kanilang pakikiisa sa mundo ng pelikula upang lumawak din ang paraan na mapanood ang pelikulang Filipino bukod sa sinehan. Dahil sa Globe at sa partner nito tulad ng Hooq, maaaring mapanood ang mga pelikulang sakop ng PPP sa mobile phones at tablets.

“We intend to elevate the quality of entertainment in the country. There’s a boundless supply of talent in the Philippines which may bring great movies, awe-inspiring theater productions, and exciting content but it also entails educating consumers to patronize these movies, shows, and content only through legitimate means. By supporting the #PlayItRight campaign, everyone will get the opportunity to experience quality and safe entertainment wherever they are and in whichever form they want —whether film, digital, or theater,” pahayag ni Globe Chief Commercial Officer Albert De Larrazabal.



Ang PPP ay magpapalabas ng pinakamaraming original na pelikulang Filipino sa may kabuuang 790 sinehan sa buong bansa simula August 16 hanggang August 22. Kasama rito ang 12 top-rated at locally-produced na mga pelikulang pinili ng FDCP.

Sa isang pahayag ni Liza Diño, chairperson ng FDCP, “We are very proud of this incredible roster of films that we are showcasing for Pista. As this is the first time that we are partnering with all the theaters for a massive event for the whole country, we hope that we get the support of all Filipinos by watching the films. This is not just a film showing event, but really a celebration of films that are distinctly ours and which we can connect and identify with. We are glad that we have the support and advocacy partnership with Globe for their anti-piracy campaign to make PPP more meaningful.”

Idinagdag ni De Larrazabal na ang #PlayItRight advocacy ng Globe ay laban sa napakatagal nang isyu ng pamimirata ng mga pelikulang Filipino kaya halos wala nang kinikita ang industriya at hirap ang mga producer na mabawi ang kanilang investments sa paggawa ng mga bagong pelikula.

Sa paglulunsad ng Pista ng Pelikulang Pilipino kamakailan, marami sa industriya ng pelikula ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa ginawang inisyatiba ng Globe dahil nailalapit sa masang Filipino ang dekalidad na pelikulang gawang lokal.



Iba’t ibang genre ang handog ng PPP mula sa mga maipagmamalaking pelikula para sa mga tagahanga ng Filipino films. Kasama rito ang romantic films na 100 Tula Para Kay Estella at Paglipay at pati na rin ang mga pelikula na umaantig sa puso tulad ng Hamog, ang romance drama na Pauwi Na, ang kuwento tungkol sa Down Syndrome, Star na Van Damme at ang Triptico anthology. Para naman sa comedy, mapapasaya ang manonood sa Bar Boys at Patay na Si Hesus. Para sa mahilig sa action movies, panoorin ang AWOL at Birdshot, habang may horror din, Ang Manananggal sa Unit 23B at ang nakasisindak na Salvage.

Upang maiwasan ang pagpila sa sinehan, i-download lang ang GMovies App para makabili ng ticket online at piliin ang paboritong pelikula sa PPP. Maaaring mai-download ang GMovies App sa kahit anong Android/iOS na device. May discount na P50 sa bawat ticket kung gagamitin ang promo code na PELIKULA. Ang promo ay para sa first time GMovies users, at maaaring gamitin nang isang beses lamang. Ang GMovies ay isa sa innovations ng Globe sa pamamagitan ng Digital Ventures, na sumu-suporta rin sa #PlayItRight para maging convenient sa manonood ang pagbili ng movie tickets.

Alamin ang screening schedule ng Pista ng Pelikulang Pilipino, pumunta sa www.facebook.com/fdcpppp.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top