Thursday , December 14 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Matambok na puwet ng kapitbahay dinakma ng mangingisda
Matambok na puwet ng kapitbahay dinakma ng mangingisda

Matambok na puwet ng kapitbahay dinakma ng mangingisda

SWAK sa kulungan ang 44-anyos mangingisda makaraan pasukin sa bahay ang isang ginang at dinakma ang puwet sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat, matagal nang pinagpapantasyahan ng suspek na si Ramon Ronquillo, residente sa S. Roldan St., Brgy. Tangos, ang matambok na puwet ng 28-anyos ginang na si Shaina.

Kaya nang matiyak na wala sa bahay ang kinakasama ng biktima, pinasok at dinakma ang puwet ng natutulog na ginang dakong 4:00 pm.

Napabalikwas ang ginang habang natarantang tumakbo ang suspek.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod na sina Ronaldo Dela Cruz at Felix Galanto, dahilan upang madakip and suspek na sinampahan ng kasong acts of lasciviousness sa Navotas City Prosecutor’s Office.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com