Saturday , August 19 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kevin Poblacion, bida sa “Adik” kinabiliban ni Ara Mina, (Kahit bago sa industriya)
Kevin Poblacion, bida sa “Adik” kinabiliban ni Ara Mina, (Kahit bago sa industriya)

Kevin Poblacion, bida sa “Adik” kinabiliban ni Ara Mina, (Kahit bago sa industriya)

HINDI lang ang director ni Kevin Poblacion sa kanyang launching movie na “Adik” na si Direk Neal Tan ang napahanga sa acting ng baguhang aktor kundi maging ang co-star na si Ara Mina, na gumanap na tiyahin sa de-kalidad na pelikula.

Napabilib ni Kevin sa kanilang mga eksena lalo na sa tagpong pinaalis na siya ni Ara, dahil baka maipatokhang siya ni Rosanna Roces (gumaganap na kapitana) sa paggamit ng shabu.

Isang drug addict, ang karakter ng Fil-Canadian actor kaya napaka-demanding ng kanyang papel na kailangan lumabas na makatotohanan ang portrayal ng isang durugista na nabigyan nga ng hustisya ni Kevin.

“Kevin as a newbie, he’s not bad. Hindi ako nahirapan kaeksena siya. Kasi meron din akong nakaeeksena na… nararamdaman ko na kulang pa. So mino-motivate ko pa. Kay Kevin hindi ko siya masyadong ini-motivate, kasi, natural ‘yung acting, e,” paliwanag ni Ara na pinuri rin ng invited press sa presscon ng kanilang movie, sa Luxent Hotel dahil sa mala-Jaclyn Jose na atake ng kanyang acting.

Nang si Kevin ang tinanong kung ano ang preparations na ginawa niya bago nag-shoot ng pinagbibidahang advocacy film, sabi ng actor, nanood siya ng documentaries ukol sa addiction.

“The movie make me realize so many things in life. Hopefully we can show it in school around the country and probably internationally,” sey ni Kevin na noong araw ng kanyang presscon ay nagsi-celebrate rin pala ng kanyang birthday.

Masaya siyang binati ng mga magulang at proud sila sa kanyang bagong career. Ang Mommy Jean at daddy ni Kevin ang mga producer ng kanyang movie sa ilalim ng BJP Productions na nakatakdang ipalabas ngayong October 2017, release ng Cine Local, Film Development Council of the Philippines.

Nasa cast rin sina Liz Alindogan, Gino Ilustre, Eagle Riggs, Miggy Campbell at gumaganap na leading lady ni Kevin na si Michelle Tomas.



VHONG NAVARRO AT LOVI POE
PALIT KATAWAN SA “WOKE UP LIKE THIS”
UMANI NG 8-M VIEWS SA TRAILER

After ng hit movie ni Vhong Navarro na Mang Kepweng Returns, sila naman ni Lovi Poe ang mapapanood sa super funny movie nilang “Woke Up Like This” na maghahatid ng kiliti at saya sa lahat ng moviegoers sa nakatakdang showing nito sa cinemas nationwide on August 23.

Hindi ito ang unang pelikula nina Vhong at Lovi dahil nagkasama na noon ang dalawa sa pinagbidahan nilang episode sa Shake Rattle and Roll. At kung ang nasabing Prime Comedian (Vhong) ay nasanay nang gumawa ng comedy films aba’y big challenge naman for his leading lady ang magpatawa sa big screen lalo’t ngayon lang niya ilalabas ang kanyang pagiging kikay at komikera.

Mas kilala kasi ang Prime Actress (Lovi) bilang magaling na aktres base na rin sa track record ng pelikulang ginawa. At parehong bago sa dalawa ang “Woke Up Like This” na magpapalit sila ng katawan. Magiging Lovi, si Vhong at magiging Vhong si Lovi.

Kuwento ng Kapuso actress, okey naman daw ‘yung mga scene pero nang inakting na niyang maging lalaki na nagkagusto sa isang babae portrayed by Cora Waddel of PBB na-awkard raw siya nang sobra.

Dapat kasi makita na type niya at magkakagustuhan sila ni Cora habang lalaki ang kilos niya na ala-Vhong. Pero aminado si Lovi, na may girl crush siya at ito ay si Iza Calzado na gandang-ganda raw talaga siya sa dating kapwa Kapuso na ngayon ay Kapamilya na.

Para naman kay Vhong, sa eksenang dapat maging sosyal siya ay aminadong nahirapan ang komedyante.”

Napaka-challenging dahil ang hirap gumanap bilang isang sosyal na Sabrina (Lovi) dahil ako hindi ako sosyal na tao! Laki ako sa kalye! Hahaha!” Halakhak pa ng prime comedian ng movie industry.

Kasama rin sa cast ng “WULT” ang magagaling na comedians na sina Joey Marquez at Bayani Agbayani. Introducing ang seksing PBB alumnus na sina Cora Waddel at Dionne Mosanto at sina Ynna Assistio at Kapamilya child actor na si Raikko Mateo. Sa ilalim ito ng direksiyon ng baguhang director na si Joel Ferrer na first time magdirek ng isang mainstream movie na Woke Up Like This.

Dahil ‘yun ang tema ng kanilang bagong pelikula sa Regal Entertainment ay nagbihis lalaki rin si Mother Lily Monterve na nakasuot ng jersey ng basketball at sumayaw nang usong-uso ngayong dance craze na “Despacito” ni Justine Bieber with matching back-up na male dancers.

At pinagkaguluhan talaga si madera sa kanyang pasabog na dance number at walang tigil ang kuha sa kanya hindi lang ng mga photographer kundi ng press people at bloggers.

Nakisayaw rin sina Vhong at Lovi at co-stars ng Woke Up Like This sa Despacito. Samantala as of presstime ay humamig nang almost 8 millon ang views ng official trailer nito.



EAT BULAGA AT MISS MILLENNIAL
NG IBA’T IBANG LUGAR MALAKING
TULONG SA TURISMO NG BANSA

Pormal nang ipinakilala nitong nakaraang Sabado sa Broadway Studio ang 38 opisyal na mga kandidata sa “Miss Millennial Philippines 2017” ng Eat Bulaga na ang tatanghaling title holder ay tatanggap ng P500,000. isang condo unit mula sa Bria Condo at isang brand new 2017 Montero Sport at magiging Ambassador pa ng kanyang probinsiya.

Pagkakalooban ng Bulaga ng P1 milyon ang probinsiyang mapipili sa Grand Finals. Samantala after ng press presentation ng 38 candidates na ginanap last week sa Concha’s Garden Cafe na pag-aari ng Pambansang Bae ni Alden Richards, isa-isa nang ipinakita ng mga kandidata ang kagandahan ng kanilang lugar tulad ni Miss Millennial Pangasian Anie Uson.

Sa kanyang tour courtesy of Eat Bulaga ay ipinakita niya sa lahat ng Dabarkads viewers ang ilang tourist spots sa Pangasinan tulad ng Hundred Islands sa Alaminos, Governor’s Island na tampok ang kinaaaliwang small crabs. Sa City of Lingayen ay makikita ang dinarayong Governor’s Office at bumisita rin si Anie sa pabrika ng famous bagoong sa Lingayen at tinikman ang masasarap na iba’t ibang klaseng puto sa Calasiao. Sa dami ng wonders place ng lugar ay kulang ang tatlong oras para makompleto ang pagpasyal rito.

Well sa pagpapakita nila ng magagandang tanawin sa Filipinas, aba’y malaking tulong ang Eat Bulaga at mga Miss Millennials sa turismo ng ating bansa.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Scroll To Top