Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / AJ, pasadong action star; Ali Khatibi, effective na kontrabida
AJ, pasadong action star; Ali Khatibi, effective na kontrabida

AJ, pasadong action star; Ali Khatibi, effective na kontrabida

MABUTI na lang at naisipan ni AJ Muhlach na mag-switch sa action dahil dito pala siya nababagay kaysa romantic-comedy movie dahil ang galing niya sa pelikulang Double Barrel bilang isang baguhang action star.

Matatandaang naging miyembro rin si AJ ng dance group na XLR8 at ini-launch ngViva Films sa mga romcom at comedy pa na keri naman din ng baguhang aktor, kaso parang nakukulangan din at marami siyang kasabayang boy next door image noon kaya hindi siya masyadong napapansin hanggang sa nag-lie low siya at ito ‘yung panahong nag-aral siya ng Pinoy Martial Art o tinawag na Pekiti na sakto dahil nagamit niya rito sa Double Barrel.

Para sa amin ay pasado si AJ bilang bagong action star at kapag muling nabigyan ng sunod-sunod na action movies ay made-develop nang husto ang binata. Napanood namin ang pelikula sa ginanap na premiere night noong Lunes sa Robinson’s Galleria Cinema 3 na dinaluhan ng ilang Viva talents.

READ MORE:  Magandang PR ni Alden Richards, na-witness sa kanyang Thanksgiving Party sa Entertainment Media

Malaki ang naitulong ng pagti-training ni AJ ng Pekiti sa mga habulan at streetfight niya sa mga pulis na humuhuli sa kanya.

Nagustuhan namin ang karakter ni AJ sa pelikula bilang si Jeff na user at pusher at tinadtad siya ng tattoo sa katawan na bumagay naman at mabilis siyang kumilos lalo noong nagkakahulihan ay tumakas ang aktor at nagtatakbo siya sa bubungan ng naka-brief lang at wala siyang pakialam kung maraming nanonood sa kanya sa shooting na ipinakikita naman sa camera at mga nakangiti pa ‘yung ibang babae.

Ang ganda ng katawan ng aktor dahil nga matagal itong nakabilad at naalala namin noong tinanong siya kung hindi ba siya nahiyang magpakita ng katawan at sinagot kami ng, ”hindi po, kung may ipakikita naman.”

At kaya naka-brief lang na tumatakas si AJ dahil katatapos lang nilang mag-sex ng asawa niyang si Phoebe Walker nawala ring hiyang naghubad sa Double Barrel at kitang-kita na inaalalayan nga siya ng binata dahil buong katawan nito ang nakatakip sa aktres.

READ MORE:  GMA, luging-lugi na raw kay Marian (‘Di na nagre-rate ang show, ‘di pa pinapasok ng advertisers)

And speaking of Phoebe, medyo nakulangan kami sa kanya sa Double Barrel dahil siguro naikompara namin siya sa Seklusyon na malalim ang acting kaya nga nanalo siya ng Best Supporting actress sa nakaraang 2016 Metro Manila Film Festival.

Inisip namin na support si Phoebe kay AJ kaya siguro hindi sa kanya naka-concentrate masyado at mas binigyan ng prioridad ang mga bidang lalaki tulad ninaJeric Raval, Ali Khatibi, at AJ.

Baka sa launching movie na lang ni Phoebe siguro ilalabas ang husay nito sa pag-arte pero napahanga kami ng aktres dahil mahusay siyang bumaril pala at hindi napapapikit, huh? Parang sanay ng pumutok.

Napa-wow kami kay Khatibi dahil bukod sa maganda ang audio niya ay natural ang pag-arte bilang pulis na double crosser na kung tutuusin ay siya ang kontrabida nina AJ at Jeric dahil siya lang ang kumikita sa ibinibigay sa kanya ng superior niya.

READ MORE:  Disappointed sa career kaya nalulong sa droga?

Buwisit na buwisit kami sa karakter ng asawa ni Cristine Reyes dahil napaka-effective niyang kontrabida at ang galing ng mga kilos, galaw, at kung paano tumingin at alam din niya ang tamang anggulo.

In fairness, magaling ang acting coach niyang si Cristine dahil nagamit niyang lahat ito sa pelikulang Double Barrel. ‘Yung paghawak ng baril ni Ali ay sakto rin, mukhang lagi siyang nasa firing range. Sana may follow-up action movies ulit sina AJ at Ali dahil may potensiyal silang maging action star.

Ngayong araw ang showing ng Double Barrel at sa mahihilig sa action films ay ito na ang hinahanap ninyo handog ng Viva Films at idinirehe ni Toto Natividad.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved