Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Publicist cum manager, tinalakan ang isang TV station nang ‘di isinama ang alagang actor sa pagbabalita
Publicist cum manager, tinalakan ang isang TV station nang ‘di isinama ang alagang actor sa pagbabalita

Publicist cum manager, tinalakan ang isang TV station nang ‘di isinama ang alagang actor sa pagbabalita

GALIT na kinuwestiyon ng isang publicist cum manager ang management ng isang TV network makaraang binalewala nito ang exposure ng kanyang alagang aktor.

Ang siste, kabilang ang kanyang artista sa talaan ng sanrekwang mga bituin na itinampok ng isang glossy magazine. Bagamat may mga nakunan naman sa event ay hindi naman ito ipinalabas ng estasyon, bagay na inalmahan ng manager.

Katwiran ng management, nakaligtaang isama sa kanilang iniulat na balita ang mga kuha sa kung tutuusi’y homegrown artist nila. Pero hindi “binili” ng manager ang palsong katwiran, kung kaya’t tinawagan niya ang estasyon at tinalakan ang nakausap.

Hindi siyempre maiwasang sumama ang loob mismo ng bagets artist na itago na lang natin sa alyas na Rap-Rap Maderazo.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved