Saturday , August 19 2017
Breaking News
You are here: Home / Sports / Bradley nagretiro na rin
Bradley nagretiro na rin

Bradley nagretiro na rin

ISA-ISA, nagsasabit na ng kanilang mga boxing gloves ang mga nakalaban ni Manny Pacquiao sa ibabaw ng lona.

Isang araw matapos mag-anunsIyo ng pagreretiro si Juan Manuel ‘Dinamita’ Marquez, sumunod agad ng yapak si Timothy ‘Desert Storm’ Bradley.

Matapos magkomentaryo sa sagupaang Vasyl Lomachenko at Miguel Marriaga sa Los Angeles, California kamakalawa.

Pinakanakilala si Bradley sa tatlong laban kontra ‘Pambansang Kamao’ na si Pacquiao na naka-eskapo siya ng isang split decision na panalo sa unang laban noong 2012 para sa WBO welterweight titulo bago yumukod sa huling dalawang laban.

Hindi na aniya hihintayin ng 33-anyos na mahabol siya ng ‘Father Time’ at matalo nito lalo nang masaksihan ang dating karibal at ngayo’y kaibigan na si Pacquiao na mahirapan sa mas batang kalaban na si Jeff Horn sa Austrlia noong nakaraang buwan, aniya kay Lance Pugmire ng Los Angeles Times.

Nagsimula noong 2004 ang propesyonal na karera sa boxing ni Bradley at nakapagkamal ng dalawang kampeonato sa dalawang magkaibang dibisyon habang nagrehistro ng magandang kartada na 33 panalo, 13 KO, 2 talo at 1 tabla sa 13 taon sa ibabaw ng lona.

Huling tumapak sa boxing ring si Bradley noong nakaraang taon kontra Pacquiao at siyang nagsilbi na nga ring huling digmaan sa makulay niyang karera. (JBU)

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top