Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ayon kay Diokno: Tuition free SUCs ‘di limitado sa mahihirap
Ayon kay Diokno: Tuition free SUCs ‘di limitado sa mahihirap

Ayon kay Diokno: Tuition free SUCs ‘di limitado sa mahihirap

ANG libreng tuition sa state universities and colleges (SUCs) ay hindi magiging limitado sa mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante, taliwas sa pahayag ni Senador Panfilo Lacson, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, nitong Lunes.

“Wala sa batas ‘yun. Hindi nakalagay sa batas ‘yun. You have to qualify first. You have to pass an exam before your could qualify for free college education,” pahayag ni Diokno.

Sa batas na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang linggo, libre na ang tuition sa SUCs, local universities and colleges (LUCs), and technical-vocational schools sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nitong Linggo, sinabi ni Lacson, tanging mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante lamang ang nararapat na pagkalooban ng gobyerno ng libreng tuition.

Aniya, ito ay dapat nakasaad sa “implementing rules and regulations” (IRR), na ipalalabas 60 araw bago ito ipatupad.

Sinabi ni Diokno, ang IRR ng nasabing batas ay ipalalabas sa loob ng 15 araw.

Ang Cabinet official ay makikipagpulong sa Miyerkoles sa UniFAST Board, Commission on Higher Education (CHEd), TESDA, at pangulo ng University of the Philippines, at mga miyembro ng House appropriations committee at Senate finance committee, para buuin ang IRR.

“This will be for implementation in the first semester of 2018, because the 2017 requirements are already covered,” dagdag niya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved