SINAGOT ni Allan K ang isang netizen na pilit iniuugnay ang kanyang co-hosts sa Eat Bulaga na sina Alden Richards at Patricia Tumulak.
Ang netizen na may handle name na @rosalindaortega36 ay nagkomento sa isang Instagram post ni Allan K. Sinabi nito na sina Alden at Patricia na lang ang gawing magka-love team dahil ang mga ito naman ang talagang “real lover”.
Sabi pa nito, huwag nang gamitin ni Alden ang ka-love team na si Maine Mendoza. Inakusahan pa ng netizen si Allan K na nagsisinungaling sa fans ng tambalang AlDub(Alden at Maine).
At ang grabe pang akusasyon nito kina Alden at Patricia ay nagli-live-in na sa isang condo unit sa Taguig.
Ang sagot ni Allan sa netizen, ”Kawawa ka naman sa mga info mo. Mag-pray ka for wisdom.”
MA at PA – Rommel Placente