Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Isang mapayapang paglalakbay sa dalawang Roy na kapwa beteranong mamamahayag
Isang mapayapang paglalakbay sa dalawang Roy na kapwa beteranong mamamahayag

Isang mapayapang paglalakbay sa dalawang Roy na kapwa beteranong mamamahayag

MAGKASUNOD na namayapa ang dalawang beteranong mamamahayag na sina Roy Acosta at Roy Sinfuego.

Nitong Huwebes si Manong Roy A., at nitong Sabado ng gabi si Kuyang Roy Sinfuego.

Si Manong Roy ay nakasama ng inyong lingkod sa National Press Club (NPC) noong tayo ay unopposed na inihalal ng ating mga katoto.

Si Kuyang Roy naman ay halos ilang dekada na nating kakilala at madalas niya tayong iniimbitahan sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico tuwing Miyerkoles.

At gaya nang dati paulit-ulit na ibabahagi ni Kuyang Roy ang kanyang mga karanasan sa coverage.

Pero sabi nga, laging may katapusan ang istorya, at kapwa itinipa nina Manong Roy at Kuya Roy ang “30” sa kanilang buhay.

Kung saan man sila dadalhin ng kanilang huling paglalakbay, inuusal ko sa aking dalangin na ito ay walang hanggang kapayapaan pabalik sa Dakilang Manlilika.

So long Manong Roy and Kuyang Roy, huwag kayong magtaguan o mang-scoop ng istorya diyan sa pupuntahan ninyo ha!

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved