Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alessandra, si Empoy lang ang kailangan para pagkaguluhan
Alessandra, si Empoy lang ang kailangan para pagkaguluhan

Alessandra, si Empoy lang ang kailangan para pagkaguluhan

BAGONG Rene Requiestas ng showbiz ang bansag ngayon kay Empoy. Si Empoy ay taga-Baliuag, Bulacan.

Bagamat marami ang nagsasabing kaiba ang tema ng pagpapatawa ni Empoy hindi maiwaglit na maihalintulad siya sa dating komedyante na bagamat sinasabing kulang sa gandang lalaki ay sumikat naman sa pagpapatawa.

Matagal nang wala si Rene at tila si Empoy ang naging sagot sa ganoong tema ng pagpapatawa.

May mga nagtatanong lang kung hindi kaya raw ma-develop si Alessandra de Rossi kay Empoy? Wala namang masama dahil pareho silang single.

May mga nagsasabing si Empoy lang pala ang kailangan ni Alessandra para sumikat at tangkilikin ang pelikula nito. Bagamat matagal na at hindi matatawaran ang galing ni Alessandra sa pag-arte, isang Empoy ang nagbigay sa kanya ng blockbuster movie.

(VIR GONZALES)

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved