Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rayver, gandang-ganda sa kasimplehan ni Janine
Rayver, gandang-ganda sa kasimplehan ni Janine

Rayver, gandang-ganda sa kasimplehan ni Janine

MULA nang aminin ni Rayver Cruz na nililigawan niya na si Janine Gutierrez, kabi-kabila ang natatanggap niyang pagbatikos mula sa kanyang bashers na karamihan ay tagahanga ng aktres at ng ex nitong si Elmo Magalona.

Pero sa interview sa aktor ng Pep.ph, sinabi niyang hindi niya na lang iniintindi ang kanyang bashers, na hindi siya nagpapaapekto sa mga ito.

“Okay lang naman sa akin, sanay na ako. Kasi kanya-kanyang opinyon naman ‘yan, Sa tagal ko na rin dito (sa showbiz),” sabi ni Rayver.

Naisipan ba niyang i-block ang haters niya?

“Hindi, okay lang. Kahit noon, noon pa, alam mo naman ang mga bash na narating ko sa buhay ko,” sagot niya.

Tungkol naman sa panliligaw niya kay Janine, ayon kay Rayver, maraming magagandang katangian ang dalaga na naging dahilan para ligawan ito. At lalo niyang nagugustuhan ito habang mas nagkakakilala silang dalawa.

“Simple lang siya, napakabait na tao. Kagaya naman ng sabi ko, she’s fun to be with. Sobrang down-to-earth, ‘di mo mararamdaman na artista siya, na sikat siyang tao. Alam mo ‘yun, basta, sobrang bait niya,” papuri pa ni Rayver sa anak ni Lotlot de Leon.

Wish lang ni Rayver na may patutunguhan ang panliligaw niya kay Janine, na magkaroon siya ng pag-asa rito.

“Sana, sana mayroon ‘di ba?,” sabi pa niya.

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved