Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Raffy Tulfo, aayudahan ang taxi driver na pinagbintangang magnanakaw ni Maegan
Raffy Tulfo, aayudahan ang taxi driver na pinagbintangang magnanakaw ni Maegan

Raffy Tulfo, aayudahan ang taxi driver na pinagbintangang magnanakaw ni Maegan

NASA likod ng isang kaawa-awang taxi driver na nagngangalang Vinet Alforque (ng Nimble Taxi) ang programang Wanted Sa Radyo sa pangunguna ni Raffy Tulfo sa paghahabla ng kasong libel laban kay Maegan Aguilar.

Kung para sa marami ay isang malaking Da Who si Megan, siya lang naman ang anak ni Ka Freddie na minsan nang lumapastangan sa kanya only to crawl her way back patungo sa mapagkalingang bisig ng ama.

Pinaratangan kasi ni Maegan na magnanakaw si Vinet, ang drayber ng sinakyan niyang taksi kamakailan. Naiwan kasi ng hitad ang kanyang gitara (katabi ng driver’s seat), isang tasa, at ilang personal belongings sa taxi considering na kasyungahang matatawag na makaligtaan niyang bitbitin ang instrumentong pinagkukunan niya ng kabuhayan!

READ MORE:  Pagbibida ni Dominic sa My Super D, ‘di big deal

Pinalabas ni Maegan na ninakaw ng driver ang mga ito. The nerve na nagsumbong pa sa LTFRB na halatang pinanigan pa siya (eh, ‘di namura tuloy ang isang nagngangalang Joel Bolano ni Kuya Raffy sa ere!).

READ MORE:  Mona at Lisa, nagkita na

Ang mga maling paratang ni Megan ay ipinost pa niya sa kanyang FB account na Phoebe Dee ang pangalan (just asking, why hide under a different name, may ginawa bang kahitaran ang hitad para umiwas?)

Kagyat na umayuda si Kuya Raffy sa drayber na isinama pa ang kanyang operator na si Rosalinda Gigante sa himpilan. Ituloy daw ng mga ito ang libel case against Megan.

READ MORE:  Rey Valera, ‘di natatakot sa mga baguhang singer

Hindi rin nagpaawat si Maegan sa kanyang FB post, magkita rin daw sila ng driver sa korte. She, too, will file legal action.

Teka, saan kukuha ng filing fee si Maegan, eh, wa naman siyang datung? Sa tatay niya, eh, nang hingan nga ng reaksiyon ng Wanted si Ka Freddie ay “No comment!” ang kanyang sagot.

In short, hindi kinukunsinti ng iconic folk singer ang palsong ugali ng anak…’yun ‘yon!

(RONNIE CARRASCO)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved