Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ex-pNoy G – – -, buang (Buwelta sa batikos sa drug war) — Duterte

Ex-pNoy G – – -, buang (Buwelta sa batikos sa drug war) — Duterte

HINAMON ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang sinundang pangulo na subukang pumasok sa ilegal na droga para mapatunayan niya kung gaano kaseryoso ang kanyang administrasyon sa kampanya laban sa illegal drugs.

Sagot ito ni Duterte kaugnay sa sinabi ni dating Presidente Benigno Aquino III, na wala pang nagiging resulta ang drug war ng kasalukuyang administrasyon.

“Iyan ang warning ko, sa lahat. Sabi ni PNoy, parang walang nangyari. Sige, pumasok ka sa droga PNoy, ‘pag hindi kita pinutulan ng ulo, buang ka. Anong walang nangyari? G*** kang mga… Mga generals mo, ‘yang aide mo, ‘yung aide ni Roxas puro nasa droga, konektado. Number one diyan ‘yung bata ninyo si General Loot, isa pa ‘yang u*** na ‘yan!”

Ipinagmalaki ni Duterte na dalawang libong kilong shabu ang nakompiska ng mga awtoridad sa panahon ng kanyang administrasyon kompara sa tatlong libong kilo ng shabu sa anim na taon ng administrasyong Aquino.

“Sabi niya, walang nangyari sa campaign. Tingnan naman niya. In all of his six years, he was only able to seize or catch about 3,045 kilos of shabu. Ako rito ngayon sa akin, just one year, I have already seized about 2,000 – nearing 3,000 sa entire six years niya,” aniya.

Bistado aniya ng sambayanang Filipino kung anong klaseng pinuno si Aquino kaya walang karapatan na bumatikos sa kanyang drug war ang dating pangulo.

Iginiit ng Pangulong Duterte na ilang opisyal noong Aquino administration, gaya ni retired police general at ngayo’y Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot, ang sabit sa illegal drugs.

ni ROSE NOVENARIO

Bunga ng political opportunism
NOYNOY NEGA
SA DUTERTE DRUG
WAR — ABELLA

BUNGA ng mapagsamantalang pananaw ng isang makasariling politiko ang pagbatikos ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa drug war ng administrasyong Duterte.

Ito ang buwelta ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa sinabi ni Aquino kamakalawa, na sa kabila ng drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naman nagbago ang bilang ng drug personalities na 1.8 milyon drug users mula noong 2015.

“Aquino is an erstwhile politician with jaded cynicism borne out of a history of political opportunism,” ani Abella.

Ang record aniya ng resulta ng drug war ng administrasyong Duterte ang nagsasabi na may malaking pagbabago sa illegal drugs problem ng bansa lalo ang pagsuko sa mga awtoridad nang may 1.3 milyong drug personalities.

Umabot aniya sa 97,704 kataong sabit sa illegal drugs ang dinakip ng mga awtoridad sa loob nang isang taon ng administrasyong Duterte o pagtaas nang 18,893

kompara sa 77,810 kataong inaresto sa anim-taon rehimeng Aquino.

Nakompiska aniya ng isang-taon gobyernong Duterte ang may 2,445.80 kilo ng shabu, mas mataas ng 773.27 kompara sa 3,219.07 kilo ng shabu na nakompiska ng anim-taon rehimeng Aquino.

Para kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “shamelessly cocky and an outrageous chutzpah” ang komentaryo ni ex-PNoy sa Duterte drug war.

“PNoy’s comment on the President Duterte’s war on drugs as being ineffective is shamelessly cocky and an outrageous chutzpah,” ani Panelo.

Ang kritisismo aniya ay nagmula sa isang pinuno ng gobyerno na lumala ang drug problem ng bansa dahil sa kawalan ng kakayahan o pinabayaan na pigilan ito.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved