Tuesday , June 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P.3-M cash, drugs, patalim, kompiskado sa Bilibid
P.3-M cash, drugs, patalim, kompiskado sa Bilibid

P.3-M cash, drugs, patalim, kompiskado sa Bilibid

KOMPISKADO ng mga awtoridad ang P313,000 cash, illegal drugs, bladed wea-pons at iba pang mga kontrabando sa isinagawang pagsalakay sa New Bilibid Prison (NBP) noong 27 Hul-yo.

Ayon sa data mula sa Bureau of Corrections (BuCor), kabilang sa kompiskado mula sa mga preso sa medium security compound ang 131 cellular phones, limang pocket wifi units, 404 improvised bladed weapons, 63 paddles, 24 portable DVDs, apat routers, walong sachets ng suspected shabu residue, sachet ng marijuana, drug paraphernalia, at P117,760 cash.

Ang mga elemento ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ay nakadiskobre rin ng ilang mga kubol sa loob ng medium security compound, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sa SAF-guarded maximum security compound, kompiskado sa pagsalakay ang pitong cellular phones, 13 assorted bladed weapons, limang screwdrivers, tatlong kitchen knives, martilyo, television set, TV cable convertible, pliers, di-ver’s watch, pointed wooden stick, baseball cap, flashlight, at P196,061 cash.

Ang cash ay nakuha mula sa 14 inmates.

Habang hindi pa makuha ang data hinggil sa pagsalakay sa minimum security compound at Building 14, kinapipiitan ng high profile inmates.

“I have been told that information on Building 14 lies with the SAF,” ayon kay BuCor Deputy Director for Reformation Martin Perfecto.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved