Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jona ng Team Sarah, wagi bilang kauna-unahang The Voice Teen Grand Champion
Jona ng Team Sarah, wagi bilang kauna-unahang The Voice Teen Grand Champion

Jona ng Team Sarah, wagi bilang kauna-unahang The Voice Teen Grand Champion

SI Jona Soquite ng Team Sarah ang itinanghal na kauna-unahang grand champion ng The Voice Teens sa buong bansa at sa Asya matapos makatanggap ng 44.78% ng pinagsamang public text at online votes sa grand finale ng programa noong Linggo ng gabi (Hulyo 30).

Si Jona ang ikatlong artist ni coach Sarah na nagwagi sa kompetisyon at tinalo ang mga katunggaling sina Isabela Vinzon ng Kamp Kawayan na nakakuha ng 22.42% ng mga boto, Mica Becerro ng Team Lea (17.79%), at Jeremy Glinoga ng Team Sharon (15.01%).

READ MORE:  Enchong at Lisa, tampok ang kakaibang pag-iibigan sa MMK

Naging matamis ang tagumpay ni Jona dahil dumaan siya sa matinding pamumuna mula sa bashers online. “Nakita ko po ngayon, halos kalahati (ng voters) ang naniwala sa akin. Sobrang saya ko po na naipakita ko sa kanila ang tunay na Jona. Maraming maraming salamat po sa lahat,” aniya.

Bilang winner, nagwagi si Jona ng fashion package, business package, dental service package, P1-M cash, P1-M halaga ng trust fund, P2-M halaga ng life insurance, at isang bagong bahay mula sa Camella.

READ MORE:  “I Love You Hater” suportado ng 30M fans sa digital show ni Kris Aquino

Bago ang performance niya ng kanyang winning piece na I Believe I Can Fly noong Linggo ng gabi, ipinamalas ni Jona ang kanyang versatility sa kanyang duet kasama si coach Sarah ng Better Days at pag-awit ng Just Dance ni Lady Gaga.

READ MORE:  Paras family, ‘di ligtas sa batikos from social media, taboo man sa bahay nila ang mga dyaryo

Talaga namang naging tinutukan ng sambayanan ang unang season ng The Voice Teens kaya’t consistent trending topic ito online at nanguna linggo-linggo sa nationwide ratings.

Lalo pang inabangan ng sambayanan ang huling performances ng grand finalists at tagumpay ni Jona dahil nagtala ang grand finale ng national TV ratings na 38.2% noong Sabado (Hulyo 29) at 40.3% noong Linggo (Hulyo 30), base sa datos ng Kantar Media. (MVN)

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved