Thursday , June 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Vi, nanghinayang, ‘di natanggap ng personal ang The Eddys
Ate Vi, nanghinayang, ‘di natanggap ng personal ang The Eddys

Ate Vi, nanghinayang, ‘di natanggap ng personal ang The Eddys

EWAN pero para kay Ate Vi (Cong. Vilma Santos), sa kabila niyong halos isang bodega na ang kanyang mga tropeo kung iisipin, mahalaga pa rin ang mga award na natatanggap niya.

“Iyan kasi iyong bonus eh. Binayaran ka bilang artista, pero iyong award na makukuha mo iyon naman ang bonus dahil pinaghusayan mo ang trabaho mo,” sabi ni Congresswoman Vi.

Hinayang na hinayang nga siya dahil noong dumating ang unang best actress award niya sa taong ito, nasa US naman siya at hindi niya personal na natanggap iyon.

“Hindi lang iyon first for the year, iyon ang kauna-unahang ‘The Eddys’, which makes it more meaningful. Kaya sabi ko nga ngayong tapos na ang SONA, yayayain ko naman silang makapagkita kami para personal ko silang mapasalamatan sa ibinigay nilang bonus sa akin,” sabi pa ni Ate Vi.

Binigyan din naman siya ng lifetime achievement award ng Urian at sinasabing may iba pang mga award na darating, ”at ikinatutuwa ko ang lahat ng iyan kasi maraming bonus iyan,” sabi niya.

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved