Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Miss Millenial Philippines 2017 ng Eat Bulaga nangabog ng papremyo
Miss Millenial Philippines 2017 ng Eat Bulaga nangabog ng papremyo

Miss Millenial Philippines 2017 ng Eat Bulaga nangabog ng papremyo

MATINDI ang ginawang paghahanda ng Team Eat Bulaga para sa 38 kandidatang kabilang sa “Miss Millenial Philippines 2017” na isa-isang ipinakilala kahapon sa EB.

Walang itulak kabigin sa nasabing candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Filipinas na kumikinang ang ganda at kaseksihan. At kung dati ay sa probinsya lamang sila nakikita ng kanilang mga kababayan, ngayon dahil sa inilunsad na Beauty Pageant ng Eat Bulaga ay masisilayan na sila sa buong mundo at may naghihintay pang malalaking papremyo sa tatanghaling title holder ng Miss Millennial Philippines 2017 tulad ng P.5 milyon, condo unit mula sa BRIA at 2017 Mitsubishi Montero Sport.

In addition to these, ang makakukuha ng korona na magsisilbing Ambassador, ‘yung probinsiya nila ang pagkakalooban ng Eat Bulaga ng P1 milyon. Aba’y kinabog ng nasabing longest-running noontime variety show ang prizes sa mga local beauty pageant sa bansa.

Napili na rin pala noong Sabado ang ibinotong most favorite sa Facebook Fan Page ng EB na si Jasmin Bungay, ang beauty queen ng Pampanga. Samantala balik Eat Bulaga si Chiqui Hollman-Yulo na isa sa nagsilbing judges sa Dabarkads Goals, The Ultimate Battle Grand Finals na sina Maine Mendoza at Dabarkads Ryan Agoncillo ng Team Ramen ang mga itinanghal na grand winner.

Sarah & John Lloyd movie
‘di naapektohan ni ‘Gorio’
FINALLY FOUND SOMEONE
KUMITA NG P100 MILYONES
SA UNANG APAT NA ARAW

Kahit masama ang panahon nitong opening day sa mga sinehan nationwide ng “Finally Found Someone” nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ay kumita ang latest movie offering ng Star Cinema at Viva Films ng P20 milyon.

READ MORE:  Aga, game master na rin bukod sa pagiging explorer

Habang tinitipa namin ang Vonggang Chika dito sa HATAW ay mahigit P100 milyones na ang gross sales ng nasabing movie.

Well, isang malaking factor kung bakit blockbuster uli ang tambalang Sarah at Lloydie ay nasabik sa kanila ang fans at idagdag pa na mas maganda ang konsepto o takbo ng story ng bagong movie na relatable sa moviegoers specially sa mga magsiyota o magdyowa na.

READ MORE:  Angelica at JM, may chemistry

‘Yung ginawang special screening sa Dolphy Theater na dinaluhan ng bagong Box Office Star na si Empoy ng pelikulang Kita Kita at siyempre nina Sarah at John Lloyd ay dinumog ng fans kaya SRO ang buong theater sa ABS-CBN compound. We heard, na kabi-kabila rin ang block screening ng Popsters at supporters ni Lloydie at naka-schedule na rin ang international screening ng Finally Found Someone sa iba’t ibang bansa na inaabangan na ng ating mga kababayan roon.

EMPOY MARQUEZ, KAAALIWAN RIN
SA “ANG KUWENTO NG PISO”
PRODUCED BY CLAIRE DELA FUENTE

Surprised hit ang “Kita Kita” nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi na patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan kaya naman bukod sa cast at director ng movie ay masayang-masaya ang mga produ ng proyekto na sina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal ng Spring Films and I’m sure nag-iisip na sina Papa P at Bb Joyce sa magiging follow-up project nila sa bagong sikat na tandem (Empoy and Alessandra).

READ MORE:  Gloc-9, gustong maging alalay ng hari

Habang nasa planning stage pa may isa pang movie na tinapos si Empoy, ito ‘yung “Ang Kuwento Ng Piso” na produced ng singer businesswoman na si Ms. Claire dela Fuente.

Nang bisitahin namin si Claire sa kanyang Alabang mansion ay ipinapanood sa amin ng amigang singer ang rushes ng “Ang Kuwento ng Piso.” At totoo nga ‘yung article na nabasa namin about the movie na bukod sa mahusay dito si Empoy ay mas nakaaaliw ang banat niya sa comedy at marami siyang riot na eksena na nakatatawa talaga kaya’t siguradong mag-e-enjoy ang lahat ng mga manonood ng “Ang Kuwento Ng Piso.”

Kasama sa cast sina Mark Neumann, Sharmaine Suarez, Mico Palanca at marami pang iba. Wala pang playdate ang movie na gustong ipa-release ni Ms. Claire sa sikat na movie outfit. Nakatakda rin itong ipalabas sa iba’t ibang school sa buong bansa sa pakikipagtulungan ng DepEd.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved