Monday , February 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ken, pumatol na sa basher
Ken, pumatol na sa basher

Ken, pumatol na sa basher

MARAMI ang nagulat sa isang post ni Ken Chan na napikon siya o pinatulan ang isang basher.

“Hindi ko naman masasabing patol iyon. Parang advise ko lang in general. Hindi talaga ako ma-post sa Instagram ng mga ganoon, eh. Kaya noong nag-post ako ng ganoon, isang beses lang ‘yun sa buhay ko, ang daming nagulat kasi never talaga akong nagpo-post ng ganoon.

Sino ba ang pinatutungkukan niya?

“In general naman ‘yun,” pakli ni Ken.

“Alam mo naman dito sa showbiz maraming mga tao na gusto na hilahin ka pababa. Hindi kasi alam ng fans iyon, eh.

“”Yung akala nila ganoon kadali pero hindi madali ang buhay showbiz. Gusto ko lang iparating sa kanila na dahil sa mga taong nagmamahal sa akin, pag-aalaga ng GMA, walang sinuman ang puwedeng humila sa akin pababa,” bulalas pa niya.

Aminado siya na nao-offend siya minsan dahil minsan ay below the belt na pero ayaw na niyang patulan.

Pero mayroon din siyang ini-reverse psychology na dating basher niya na ngayon ay fan na niya.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved