Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 patay sa drug bust sa Tondo
3 patay sa drug bust sa Tondo

3 patay sa drug bust sa Tondo

TATLONG lalaki ang patay makaraan ma-kipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Leonardo “Bebe” Dela Cruz, Rodrigo “Digoy” Albos, at Reynaldo “Nognog” Dela Cruz, pawang residente sa nasabing lugar.

Ayon sa Manila Police District, nakabili ang kanilang operatiba ng P500 shabu mula kay alyas Bebe.

READ MORE:  Media Safety chief isusunod ng Palasyo — Harry Roque

Ngunit makaraan mag-abutan ng pera at shabu, nakatunog si alyas Bebe na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya itinulak niya upang makatakas.

Sumigaw anila si Bebe upang makahingi ng tulong sa dalawa niyang kasama.

Agad umanong pinaputokan sina alyas Digoy at Nognog ang ope-ratibang si Mandap, dahilan para gumanti ang nakaantabay na pulis at humantong sa enkuwentro ang operasyon.

READ MORE:  P5.6-M shabu huli sa 3 bigtime drug dealer

Nang tamaan sina Digoy at Nognog, sinubukan ng mga pulis na pasukuin si alyas Bebe ngunit naglabas ang suspek ng granada.

READ MORE:  Cayetano handang magbitiw sa pwesto (Kickbacks kapag napatunayan)

Binaril ng mga pulis ang suspek nang akmang ibabato ang pampasabog.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga suspek.

Nakuha mula sa kanila ang 13 pakete ng shabu, dalawang kalibre .38 baril at isang fragmentation grenade. (BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved