Thursday , February 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rhian, ipinag-prodyus ng concert ng fans
Rhian, ipinag-prodyus ng concert ng fans

Rhian, ipinag-prodyus ng concert ng fans

USO na talaga na ang mga fan ng isang artista ang nagpo-proyus ng konsiyerto. Pagkatapos ni Xian Lim, ang fans naman ni Rhian Ramos ang nag-abala para gawan ng solo show ang kanilang idolo kaugnay ng pagdiriwang ng magaling na akres ng kanyang ika-11 taon sa showbiz.

Ngayong gabi, ipagdiriwang ni Rhian ang kanyang 11th year sa showbiz sa pamamagitan ng Rhian Of Steel sa Teatrino, Greenhills, 6:00 p.m.

Ani Rhian, matagal nang request ng kanyang fans ang magkaroon siya ng concert.

Ayon sa The Cyberhians, isa sa fans group ni Rhian, ganoon na lamang ang pagmamahal nila sa aktres, kaya naman gusto talaga nilang bigyan ito ng konsiyerto.

Hindi lang pagkanta ang makikita kay Rhian ngayong gabi, kundi mapapanood ang isang total performer na pinaghandaan din ng aktres para mapasaya ang kanyang napakaraming fans.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved