Thursday , February 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian Rivera priority ang pagiging ina!
Marian Rivera priority ang pagiging ina!

Marian Rivera priority ang pagiging ina!

HOW Marian Rivera taught Baby Zia to eat vegetables?

Marian Rivera is simply delighted that her daughter Baby Zia is not choosy when it comes to the food that she eats.

The celebrity mom has made it a point to make vegetables as a regular fixture at the Dantes food table.

Tumigil na rin si Marian sa pagbe-blender ng vegetables.

“Ayoko na matututo siya na puro smooth lang. Gusto ko matuto siya ngumuya so marami na akong na-introduce sa kanya, e.”

Para naman sa mga mom na may feeding problems sa kanilang mga anak, iisa lang ang maia-advice ni Marian, basta lagi raw samahan ng veggies ang bawat meal ng kanilang mga anak.

“Pero ako, kahit anong mangyari, hindi talaga ako susuko,” she avers. “Lahat ng puwede kong i-twist na pagkain sa anak ko na may gulay, lahat gagawin ko.”

Anyway, si Marian ang napiling endorser ng Snow Crystal White Tomato from Vida.

Just like all the Vida products, Snow Crystal White Tomato is a beauty product with real be-nefits.

A potent mixture of the ever popular and pro-ven Kohjin Glutathione and Vida’s newest miracle ingredient discovery, Crystal White Tomato is poised to be the new gold standard in anti-aging and whitening.

“Kasi kahit maputi ka naman, motherhood has a way of changing things,” Marian intones. “Minsan parang feeling mo hindi ka na fresh dahil sa mga mumunting problemang kinahaharap mo.

“Diyan pumapasok ang whitening and anti-aging properties ng Snow Crystal White na mayroon ding sunblock kaya you are protected even if you expose yourself to the ruining effects of the sun.”

Good job Marian!

AJ MUHLACH CONFIDENT
SA KANYANG
SIZE AT MACHISMO!

AJ Muhlach clarifies that his bare-all movie Double Barrel is not at all in conflict with his religious belief.

Karakter lang daw ‘yun kaya walang problema. Ang totoo nga niyan, he readily agreed to wear ‘bacon’ underwear for most of his running scenes in this action-packed movie.

Dedicated member kasi siya ng Iglesia Ni Cristo but he sees no conflict with some of his daring and baring scenes in the movie Double Barrel that is slated to get shown in cinemas on August 9 and would serve as his and Phoebe Walker’s launching mo-vie.

“Hindi ko naman gagawin ‘yon sa totoong buhay, karakter naman ‘yon, walang problema.”

Nevertheless, may pressure raw sa kanya ang pagbibida sa movie na ito ng Viva.

Nang sabihin raw sa kanya ni direk Toto Natividad na he’s going to wear a revealing ‘bacon underwear,’ nag-decide raw si-yang mag-lose ng weight.

Call din siya nang butasan ang kanyang kilay for the eyebrow ring that he’s going to use in the movie.

The scene that required him to run in revealing bacon brief was shot in three different locations in Navotas City.

“Noong naka-underwear ako, parang bakat… naaaninag ‘yung linya,” he muses.

“Noong second day na, nilagyan ko na lang ng tissue sa ibabaw.

“Before mag-take, naka-brief na ako, tinatakpan lang ako ng wardrobe staff ng tu-walya.

“Before mag-take, tatakbo na ako, tatanggalin ko na ‘yung tuwalya.”

May revealing stories pa siyang nai-share sa intimate presscon ng Double Barrel.

For the final shot, hinubad niya ang kanyang damit at buong ningning na ipinakita ang kanyang toned and muscular body sa movie press na present sa nasabing presscon.

ALBERT MARTINEZ READY
TO FALL IN LOVE AGAIN

Handa na raw muling makahanap ng bagong pag-ibig ang aktor na si Albert Martinez. Kahit hindi pa siya totally nakapagmo-move on sa pagpanaw ng asawang si Liezl Martinez, umaasa siyang may nakatakda sa kanyang babaeng hindi na niya kailangang hanapin.

More than two years nang namayapa ang kabiyak ni Albert Martinez na si Liezl Sumilang Martinez. But the actor believes that it’s hard to find a worthy replacement. After all, they were together for 30 years.

Liezl passed away sometime in the year 2015 because of cancer ailment.

“It’s a hard journey, so hindi ko siya minamadali,” says the La Luna Sangre actor. “Kung ano lang ‘yung dumaan sa buhay ko, so it is.

“I’m busy with work and doon ko pino-focus lahat ang atensiyon ko — sa trabaho.”

Open naman daw si Albert na muling ma-in love but it’s veritably hard to top his 30 eventful years with his wife.

“Unless talaga… hindi ako nagsasalita nang tapos, pero unless meron tayong matalisod na ‘yung magkonek ‘yung puso ko, you’ll never know.”

“I just don’t… ayokong i-focus ang sarili ko ro’n, kasi hindi rin fair sa tao, e,” he coos. “Kasi gusto ko, kung ano man ang mangyari, natural, ‘di ba?

“Mahirap ‘yung pipilitin mo, tapos ikokompara mo lang sa asawa mo, e, hindi rin magwo-work ‘yun.”

Right now, he’s visibly excited with the arri-val of his first apo with Alyanna Martinez-Macam.

January 2018 ang schedule ng delivery ni Alyanna sa first baby nila ng photographer na si Roy Macam.

“Siguro it’s time naman for me to go to the cycle of life again, na magkakaroon ako ng mamahalin na bata,” he avers. “Kasi mga anak ko, kanya-kanyang buhay na, di ba?

“So, I’m preparing para spoil-in ‘yung aking magiging apo.”

Tatlo ang naging anak nina Albert at Liezl: sina Alyanna, Alissa, at Alfonso.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

COMMENTS

About Pete Ampoloquio Jr.

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved