Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kiel Alo at Ezekiel Hontiveros, new breed of concert artists
Kiel Alo at Ezekiel Hontiveros, new breed of concert artists

Kiel Alo at Ezekiel Hontiveros, new breed of concert artists

TUWINA’Y may mga bago tayong natutuklasan sa industriya ng showbiz, at dalawa sa brightest sa kanila ay ang dalawang guwapito na mayroong soulful voices, sina Kiel Alo and Ezekiel Hontiveros na mayroong first back-to-backFROM K TO Z concert sa cozy Music Box Comedy Bar (Timog corner Quezon Avenue) on July 29, 9:00 p.m..

Nasa pangngalaga sina Kiel at Ezekiel ni Jobert Sucaldito ng Front Desk Entertainment Production kasama sina Harana Prince Michael Pangilinan atPrima Diva Billy. Magkakaiba man ng personalidad at estilo, ang bottomline ay magagaling silang singer. Very magnetic at full of promise.

“I’ve been through a lot in this business. I was under some management outfits before kaya lang, noong maramdaman kong parang wala namang nangyayari, I decided to finish college na lang and worked for a real estate company. Gumaganda na sana ang tayo ko sa company na iyon and they planned to send me na to Kuwait when I bumped into Nanay Jobert in a birthday party. Nang marinig niya akong kumanta, natuwa siya siguro kaya he asked me if I’d like to join his stable. ‘Di niya alam na gustong-gusto ko talaga dahil first love ko talaga ang pagkanta. After some meet-ups with him, I decided to stay and concentrate na lang sa singing. Nag-resign na ako sa company that I used to work for. Mas nag-i-enjoy ako sa entablado kaysa opisina. Ha! Ha! Ha!” paglalahad ni Kiel.

“In one event ay narinig din akong kumanta ni Nay Jobert and nagulat siya dahil sa tagal na naming magkaibigan, noon lang pala niya ako narinig kumanta. Natuwa rin siya sa akin kaya isinali niya ako sa ibang shows ni Michael Pangilinan and sa awa ng Diyos ‘di pa naman ako nagkalat. Iyon nga lang, I have to admit na sobrang mahiyain lang talaga ako. Kung gaano kahusay si Kiel sa pagsalita sa stage, ako naman ay lalangawin na pero halos tikom pa rin ang bibig. Para akong nanginginig ‘pag nasa stage na ako. Ewan ko ba. Nilalabanan ko pa rin hanggang ngayon ang stagefright and hopefully ay makapagsalita na ako this Saturday sa back-to-back concert namin ni Kiel. Ha! Ha! Ha! Sa kantahan lalaban ako pero sa salitaan, maybe later. Not now,” pag-amin naman ni Ezekiel.

“I am very proud of my two boys—napakagagaling kumanta and iba ang hatak sa audience. Si Kiel ay mas seasoned na compared to Ezekiel sa pakipagtsikahan with the audience pero Ezekiel’s shyness adds to his sex appeal. Kakaloka ang dalawang ito. Let’s pray na bongga ang kalalabasan ng maliit nilang back-to-back concert,”sambit naman ni Jobert ukol sa dalawa niyang alaga.

Parehong macho—lalaking-lalaki na walang bahid ang dalawang ito kaya masarap panoorin. To date, ay marami na rin silang mga exposure as singers and in His perfect time ay mabibigyan din tiyak ang mga boy nating ito ng much-needed breaks sa music industry. Hugot King Kiel is working on his first single right now—the revival song is still being rearranged by Jonathan Manalo and hopefully ay ma-release this year.

Ang From K to Z ay handog ng Aficionado Germany Perfume and Isabela Gov. Bojie Dy sa tulong ng iba pang sponsors na sina Guiguinto, Bulacan Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz, Mr. Neal Gonzales, Ms. Laarni Enriquez, Mr. Boy Abunda, Mr. & Mrs. Nixon and Adela Teng, Culaba, Biliran Mayor Lorenz Reveldez and Mr. Jubal Ayo.

Makakasama nina Kiel at Ezekiel si Dessa, The Pink Mannequins, at iba pang very special surprise guests. Ang musical director ay si Ivan Lee Espinosa.

Kaya kung gusto ninyong makarinig ng magagandnag musika, punta na sa July 29, 9:00 p.m. sa Music Box. Tickets are available at the gate.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved