Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ritz ‘di totoong ipinalit kay Jessy, ‘di rin ibinuro ng Dos
Ritz ‘di totoong ipinalit kay Jessy, ‘di rin ibinuro ng Dos

Ritz ‘di totoong ipinalit kay Jessy, ‘di rin ibinuro ng Dos

GUEST kung ipakilala si Ritz Azul sa Banana Sundae at hindi totoong siya na ang ipinalit kay Jessy Mendiola.

Pero aminado siya na nag-i-enjoy ito sa show dahil galing din siya sa gag show sa TV5. Bukod ditto, nakatrabaho rin niya rati si JC De Vera kaya nagiging kampante siya sa set ng Banana Sundae.

Samantala, hindi totoong nakaburo si Ritz mula nang lumipat sa Kapamilya Network. Tapos na niya ang seryeng A Promise of Forever with Paulo Avelino at Ejay Falcon. Waiting na lang sila kung kailan ang pilot episode. Hindi rin niya alam kung may pagbabago pa na gagawin sa serye basta naka-can na ito ngayon. Ang alam lang niya ay isasalang ito sa Kapamilya Gold na napapanood tuwing hapon.

ni ROLDAN CASTRO

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved