Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Gawin nang GOCC ang Ombudsman

Gawin nang GOCC ang Ombudsman

DIRECT bribery, robbery, extortion at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang mga kasong kakaharapin ng graft investigator ng Ombudsman at isang arbiter ng National Labor Relations Commission (NLRC) na naaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Biyernes.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Leonardo Nicolas Sr., graft investigator ng Ombudsman, at pinsan na si Isagani Nicolas, arbiter ng NLRC.

Tinangka umanong kikilan ng walanghiyang magpinsan ang Pangasinan provincial legal officer na si Geraldine Baniqued at ang accountant na si Arturo Soriano kapalit ng pagbasura sa mga kaso sa Ombudsman na kinakaharap ni Pangasinan fifth district Rep. Amado Espino Jr., at anak nitong si Jumel.

Si Espino na dating governor ay may kasong graft kaugnay ng black sand mining sa Lingayen Gulf, habang ang anak na si Jumel ay may siyam na graft cases sa Ombudsman.

Hinihingan umano ng gagong si Leonardo ng halagang P1.35 milyon mula kay Baniqued para sa pagbasura ng mga kaso laban kay Jumel, habang si Isagani ay humihirit ng P3 milyon mula kay Soriano kapalit ng pagbasura sa mga kaso laban sa matandang Espino.

Naniniwala tayo na ginawa nang hanapbuhay, kung ‘di man negosyo, ng mga tiwaling opisyal at kawani sa Ombudsman ang pagbasura sa mga graft cases na kanilang hinahawakan kapalit ng malaking halaga o suhol kaya hindi na tayo nagulat.

Nababalewala pati ang pagsisikap ng ilang concerned citizen sa paghahain ng kaso sa Ombudsman laban sa mga tiwaling empleyado o opisyal ng pamahalaan dahil ang mga naatasang bantay na dapat mag-imbestiga ay nasusuhulan.

Sayang ang malasakit ng mga nag-aakalang may mangyayari sa isasampang kaso kung sila lang sa Ombudsman ang humaharap at kumakausap sa mga tiwaling nakakasuhan.

Ni hindi nga ipinaaalam ng Ombudsman ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa mga nagsikap magsampa ng kaso dahil sila na lang at ang kinasuhan ang magkausap.

Talagang sa extortion at bentahan ng kaso mauuwi ang kaso kapag sila-sila na lang ang nag-uusap. (Tama ba, Ombudswoman Conchita Carpio-Morales?)

Kaya paano kakasuhan ang mga tiwali kung pareho nilang tiwali ang mag-iimbestiga?

Halimbawa na ang mahigit sa kalahating bilyon pisong plunder case laban kay dating vice mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kaugnay ng ghost- employee scam noong 2012 na hanggang ngayon ay walang resulta.

Gano’n din ang hindi umusad na kaso sa maanomalyang joint venture agreement (JVA) sa pagkakabenta ng IBC channel 13 property na isinampa noong 2011.

Gawin na lang kaya na isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) ang Office of the Ombudsman, kaysa ginagamit sa negosyo nang iilan para pagkaperahan?

Isa sa mga dahilan kaya itinatag ang Ombudsman at Sandiganbayan ay para mabawi ang mga perang ninakaw sa pamahalaan.

Kapag naging GOCC ang Ombudsman, baka sakaling maibalik pa ang mga nakaw na pera sa gobyerno.

BUWAGIN ANG CHR

NOON pa sa mga nakaraang administrasyon ay isinisigaw na natin sa ating programa sa radyo ang pagbuwag sa Commission on Human Rights (CHR).

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved