Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yassi, ginagamit lahat ang 17 produktong ineendoso
Yassi, ginagamit lahat ang 17 produktong ineendoso

Yassi, ginagamit lahat ang 17 produktong ineendoso

SA ginanap na contract signing ni Yassi Pressman sa Nivea Deo ay inamin niyang matagal na siyang gumagamit ng Nivea Extra White Deo Serum at naging bestfriend niya ito.

Kaya laking tuwa niya noong kunin siyang endorser at hindi lang iyon, ”sobrang overwhelmed dahil first time nilang kumuha ng Filipina at ako pa ang napili,” say ng dalaga nang makatsikahan namin pagkatapos ng Q and A.

Marami na ring nasubukang deodorant si Yassi bago siya gumamit ng Nivea Deo at sa katunayan ay nagtawas na rin siya.

Affordable ang Nivea Deo base sa suggested retail price na nasa press kit na hindi pa aabot sa P200 ang 100ml at P76 naman ang 20ml.



Sabi nga ni Yassi, ”Nivea has always been a brand sa bahay namin kahit noon pa at everything like lotion and all that. Pero ang naging bestfriend ko po talaga ay ‘yung Extra White, so marami na pong napagdaanan ‘yung underarms ko with Nivea, ha, ha, ha.”

Maganda nga ang Nivea Deo dahil hindi umitim ang kili-kili ni Yassi.

Umabot na sa17 products ang ineendoso ng dalaga at ipinagmamalaki niya na lahat ng ito ay talagang ginagamit niya bago pa siya kunin.

Napatawa naman si Yassi sa tanong kung nasubukan na niyang aluking gumamit ng ginagamit niyang deodorant ang kasamahan sa trabaho na may putok.

“Ha, ha, ha, wala naman po, parang hindi ko naman kayang sabihin ‘yun?” sabi ni Yassi.

YASSI ‘DI KAKAYANING
MAGING LEADING LADY
SA ANG PANDAY

Anyway, sa pelikulang Ang Panday na mismong si Coco Martin ang producer, director, at bida na mapapanood sa Metro Manila Film Festival 2017 ay hindi si Yassi ang kinuhang leading lady kaya tinanong ang aktres na kapareha ng aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano kung ipinaalam ito sa kanya o nagpasintabi man lang?

“Ay hindi naman po, grabe! Wala naman po ako sa ganoong posisyon, napag-uusapan lang po namin (set) na ‘yung cast ng ‘Probinsyano’ ay parte rin po ng ‘Ang Panday’ at saka marami rin pong bago. At saka (okay lang na hindi kasama) para maiba rin (cast), ako excited po ako sa kanila,” katwiran ng leading lady ni Coco sa Ang Probinsyano.

Hindi na rin kakayanin pa ng aktres kung sakaling kasama siya sa Ang Panday dahil mula Lunes hanggang Sabado ang tapings niya ng Ang Probinsyano at Linggo naman ang shooting ng Pambansang Third Wheel mula sa Viva Films.



Aniya, ”Hindi ko na nga po nakikita ‘yung bahay namin pati family ko kasi sobrang walang oras po talaga.”

Kaya kung may kaunting oras siyang bakante ay itutulog na lang niya dahil ito ang hinahanap ng katawan niya ngayon.

Pero hindi naman nagrereklamo si Yassi sa rami ng blessings niya at sa katunayan, sobrang thankful siya sa lahat lalo na sa Ang Probinsyano na talagang malaki ang naitulong sa career at personal niyang buhay.

Kaya wala ring lovelife ang aktres dahil wala siyang panahon at hindi rin niya ito prioridad.

ARJO, INI-REQUEST
SI YASSI PARA MAGING
DANCE PARTNER

Anyway, sa nakaraang The Eddys ay pinuri ng lahat ang production number nina Yassi at Arjo Atayde at bagay silang dance partner.

Natuwa ang dalaga at ikinuwento niyang mas naunang dancer si Arjo bago nag-artista.

“Ang bait po talaga ni Arjo, parte po siya ng Legit Status bago po siya nag-artista.

“Ang sweet nga po noong sabihin niya sa akin na gusto niya akong maging dance partner, nakatutuwa. Wala pa po kaming ibang project na pagsasamahan,”nakangiting sabi ng dalaga.

ni REGGEE BONOAN



COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved