Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Mayor Tiangco namahagi ng 70 laptop sa Navotas teachers

Mayor Tiangco namahagi ng 70 laptop sa Navotas teachers

NAGKALOOB si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 70 laptop sa mga guro sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya para isulong ang paggamit ng information and communications technology sa mga silid-aralan. (JUN DAVID)

NAMAHAGI si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 70 laptop sa mga guro sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya para isulong ang paggamit ng information and communications technology sa klase.

Sumailalim ang mga guro sa seminar kung paano isasama ang ICT sa pagtuturo at paano gumawa ng pito hanggang 10 minuto na pinaikling lesson videos.

Namigay rin si Tiangco noong nakaraang buwan ng 320 smart TV sa lahat ng paaralan ng elementarya at sekondarya sa lungsod.

“Hangad namin na sa pamamagitan ng mga laptop at smart TV, makagagawa ang ating mga guro ng mga aralin na masaya, kawili-wili, at nakakaengganyo. Hangad din namin na magbi-gay ito ng inspirasyon sa ating mga estud-yante para mahalin nila at ikasiya ang pagkatuto,” aniya.

(JUN DAVID)


COMMENTS

About Jun David

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved