Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Magandang pagpapalaki sa mga anak ni Sylvia, hinangaan
Magandang pagpapalaki sa mga anak ni Sylvia, hinangaan

Magandang pagpapalaki sa mga anak ni Sylvia, hinangaan

SALUDO ang CEO/President ng Beautederm na si Rei Ramos Anicoche Tan sa kanyang image model na si Sylvia Sanchez sa magandang pagpapalaki nito sa kanyang mga anak.

Ani Ms. Rei, “Sobrang mababait at magagalang ang anak ni Ms. Sylvia, maganda ang pagpapalaki niya sa mga ito.

“Bukod sa nagmana rin ang mga ito (Ria at Arjo) sa husay sa pag-arte ng kanilang mommy.”

READ MORE:  Eula at Dan, pantapat ng TV5 kina Louise-Aljur at Kathryn-Daniel loveteam

Balak din nitong kunin sina Ria at Arjo para maging part ng family ng Beautederm, “Bakit naman hindi ‘di ba? Pero lets see, malay natin,” nakangiting pahayag ng napakabait na si Ms Rei.



Sobrang happy nga si Ms. Rei kay Sylvia na napaka-effective na image model dahil ito mismo ang nagkukuwento ng magandang naidudulot ng produkto nila kaya lalo siyang paganda ng paganda.

READ MORE:  Aktres may pagka-matinggera, mga nakakatrabaho, binibiktima

Dagdag pa nito, ang Beautederm ay matatagpuan sa Angeles, Pampanga, Davao City, Davao Del Norte, Nueva Ecija, Cabanatuan,Vigan, Cebu. Pero hindi lang sila national kundi international na rin ang distribution nito at sobrang lakas din ang bentahan nila online. Ilan pa sa celebrity ambassadors nila ay sina Carlo Aquino, Jaycee Parker, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Alma Concepcion, Hon. Migz Magsaysay, Jericho Aguas, at Yayo Aguila.

READ MORE:  1969 pa kami ni Tirso Cruz III

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved