Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco Martin & Lito Lapid’s fans & supporters sanib-puwersa sa book 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano
Coco Martin & Lito Lapid’s fans & supporters sanib-puwersa sa book 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano

Coco Martin & Lito Lapid’s fans & supporters sanib-puwersa sa book 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano

ISANG malaking factor kung bakit patuloy na tinatangkilik ng mga manonood at #1 show pa rin sa ABS-CBN Primetime Bida ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin na kasalukuyang nasa Book 2 na, kasi bukod sa ayaw bitawan si Coco ng kanyang millennial fans ay plus factor si dating senador Lito Lapid na nasa main cast sa bagong libro ng action drama series.

Ginagampanan ng dating senador ang karakter ni Romulo Dumaguit na lider ng mga rebelde sa Pulang Araw. Pagsamahin ba naman ang fans and supporters nila ni Coco siyempre waging-wagi ito sa televiewers lalong-lalo sa mga tumangkilik noon sa mga ginawang action movies ni Lapid na pawang naging blockbusters.

Sa latest episode ng AP, na nagharap na sina Cardo (Coco) at Romulo, humamig ang serye ng rating na 37.8% sa nationwide at 40.4% naman sa rural base sa latest survey ng Kantar Media.

Tiyak sa mga susunod pang episode ay lalo pang tataas ang ratings nito lalo’t parehong nawalan ng mahal sa buhay sina SAF Cardo (nawalan ng Ricky Boy) at Romulo na namatayan ng asawa na si Aurora (Mercedes Cabral) na nabaril ng isa sa SAF Commandos.

Pareho ang ipinaglalaban ng dalawa, ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak at asawa

pero biktima sila ng maling sitwasyon na hindi sila ang totoong magkalaban.

Sa sobrang galit sa pagkamatay ni Aurora ay naghamon at nagbanta si Romulo sa SAF members lalo na kay SPO2 Cardo at Director Renato Hipolito ng National Defense, “Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin.” Naku, siguradong umaatikabong bakbakan ang magaganap sa magiging enkuwentro ng magkabilang grupo.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN-2.



VICTORIA PINALAYAS NI ROMAN
DAHIL SA KASINUNGALINGAN
SA IKAW LANG ANG IIBIGIN

Kahit pinalayas na ni Roman (Michael de Mesa) sa “Ikaw Lang Ang Iibigin” ang wife na si Victoria (Ayen Munji-Laurel) dahil sa itinagong kasinungalingan sa relasyon kay Rigor (Daniel Fernando) at anak na si

Gabriel (Gerald Anderson), hindi pa rin matanggap ni Victoria si Rigor na gusto siyang samahan at suportahan sa mga pagsubok na pinagdaraanan.

Mas gugustuhin pa yata ni Victoria na magutom kaysa makasama sa buhay si Rigor pero kaniya kaya itong mapanindigan? Umaasa pa rin kasi siya (Victoria) na mapapatawad pa siya ni Roman at makabalik sa mansion para makasama ang anak na si Carlos (Jake Cuenca).

Samantala dahil sa gulong ibinigay sa

pamilya, pati si Gabriel ay nadadamay na at ayaw nang makatrabaho ni Roman sa kanyang kompanya. Abangan din kung sinong karagdagang karakter sa naturang daytime series ang magpapahirap kay Bianca (Kim Chiu)?

Umeere ang Ikaw Lang Ang Iibigin tuwing 11:30 ng umaga pagkatapos ng Kapamilya Blockbuster sa Dos.



RICHARD MERK AT NOEL
CABANGON PANGUNGUNAHAN
ANG SELEBRASYON
NG MUSIKANG PILIPINO
“OPM HIGH” SA RJ BISTRO

Last June 29 pagkatapos ng kanyang SRO concert na “Noel Cabangon Sings James Taylor Hits” sa RJ Bistro Dusit Thani sa Makati, ngayong July 25, 8:00 pm ay balik RJ Bistro si Noel at pangungunahan ng sikat na folk singer-composer at ng tinaguriang “King of Jazz” na si Richard Merk ang selebrasyon ng Musikang Pilipino na “OPM High!”

Special guests sa OPM High ang underrated singer na si Emcy Corteza, newcomer sa music industry na si Miss Ramone na unang napanood sa The Jazz Life at ang mahusay na keyboardist na si Niki Cabardo.

Paniniguro nina Richard, Noel at ng producer nito na si Madam Ron Tapia-Merk ng In The Heart of Business ng DWIZ, lahat ng OPM lovers ay siguradong mag-e-enjoy sa kanilang show na very rare lang daw mangyari.

VONGGANG CHIKA – Peter S. Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved