Tuesday , June 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea, hindi naiinggit sa mga kapanabayang may kanya-kanyang lovelife na
Bea, hindi naiinggit sa mga kapanabayang may kanya-kanyang lovelife na

Bea, hindi naiinggit sa mga kapanabayang may kanya-kanyang lovelife na

HINDI pa rin priority ni Bea Binene ang lovelife kaya naman hanggang ngayon ay wala pa ring napapabalitang boyfriend nito.

At kahit nga ang ka-loveteam nitong si Derrick Monasterio ay kaibigan pa rin lang ang turing niya.

Tsika ni Bea sa isang interview, “Siguro kasi hindi ko iniisip ‘yun. Wala ako sa ganoong stage ng life. Happy ako sa kung saan ako ngayon. Happy ako sa state of heart ko.”



Hindi rin ito naiinggit sa kanyang mga kapanabayan na may kanya-kanyang lovelife.

“Eh, I had my time, Ha Ha ha! Okey na, okey na ko.”

Mas priority nito ang kanyang career at hindi muna binibigyan ng pansin ang buhay pag-ibig kahit na nga ang tagal-tagal ng walang lovelife ni Bea na mas lalong gumaganda habang nagdadalaga.

MATABIL – John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved