Tuesday , June 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ang ikalawang SONA ni pangulong Digong
Ang ikalawang SONA ni pangulong Digong

Ang ikalawang SONA ni pangulong Digong

Sa gitna ng mainit na kampanya laban sa ilegal na droga, pakikipag-peace talks sa iba’t ibang rebeldeng puwersa at pakikipagbaliktaktakan sa grupong dilawan kasama ang kanilang mga dayuhang financier, bumulwak ang giyera sa Marawi — tropang gobyerno laban sa teroristang Maute/ISIS group.

Umaasa ang marami na matatapos na ito sa Disyembre 2017.

At next target umano ang New People’s Army (NPA) na habang nakikipag-peace talks ang kanilang political party na Communist Party of the Philippines (CPP) at united front na National Democratic Front (NDF), sila naman ay walang habas ang pang-a-ambush, panghihingi ng revolutionary tax at iba pang uri ng sabi nga ay panggigipit na rin sa sinasabi nilang masang pinaglilingkuran.

Iba na ‘yan!

Sinahugan pa ito ng isyu sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at iba’t ibang isyu na ang layunin ay agad igupo ang wala pang isang taong administrasyon ng bagong pangulo.



Ngayong araw, haharap si Pangulong Digong sa sambayanang Filipino para sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Siyempre, marami ang nag-aabang, naghihintay at nagbabantay kung ano ang kanyang sasabihin sa kanyang SONA.

At huwag na tayong magulat kung pagkatapos niyan ay walang puknat na banat ang abutin ng Pangulo mula sa grupong diskontento.

Isang bagay ang sigurado rito, hindi na natin makikita ang ‘fashion show’ sa SONA na hirating-hirating gawin ng matataas na opisyal ng gobyerno at mga mambubutas ‘este mambabatas tuwing SONA.

Kung dati ang SONA ay ‘fiesta’ ng malalaking courtier at gown designer, sorry na lang sila ngayon, ipinagbawal na ng Pangulo ang maluluhong pagdadamit ng mga opisyal ng gobyerno tuwing may SONA.

Huwag tayo umasa na positibong lahat ang iuulat ng Pangulo dahil ang unang taon ng kanyang pamumuno ay batbat ng kontrobersiya dahil sa terminong ‘pagpatay’ at talagang tumatagos na ‘p —— ina’ sa mga sinasabi niyang salot sa lipunan.

Ang abangan natin, ano ang importanteng deklarasyon ng Pangulo para sa mga susunod na taon ng kanyang pamumuno.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved