Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres tsinugi, pinintasan kasi ang ineendosong produkto
Aktres tsinugi, pinintasan kasi ang ineendosong produkto

Aktres tsinugi, pinintasan kasi ang ineendosong produkto

KAPANSIN-PANSIN na kakaunti na lang ang mga produktong ineendoso ng isang aktres.

No wonder, pinairal pala ng hitad ang kanyang kamalditahan nang hindi na ini-renew ng isang kompanya ng developer ang kanyang kontrata. Next thing was, tinanggal na ang kanyang billboard at ibang artista na ang endorser nito.

At bakit? Sukat ba naman kasing pintas-pintasan ng hitad ang dalawang condo unit na ibinigay sa kanya bilang bahagi ng kanyang ganansiya from her endorsement.

Pagde-describe ng aktres sa dalawang unit na ‘yon, parang bahay ng daga. Natural, nakarating ‘yon sa management na agad-agad ay nagdesisyong palitan na siya!

Siyempre, ang ending: lost income ‘yon sa parte ng malditang aktres na itago na lang natin sa alyas na Durian Rebentador.

(Ronnie Carrasco III)


COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved