Thursday , February 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5 patay sa bus vs van sa Tarlac
5 patay sa bus vs van sa Tarlac

5 patay sa bus vs van sa Tarlac

TARLAC – Lima ang patay nang magbanggaan ang isang bus at van sa Brgy. Aguso, Tarlac City sa lalawigang ito, nitong Linggo.

Pasado 4:00 am nang sumalpok ang bus sa gilid ng kasalubong na van, ayon kay Supt. Bayani Razalan, hepe ng Tarlac City police.

Nagkayupi-yupi ang unahang bahagi ng van dahil sa lakas ng salpukan.



Pawang mga pasahero ng van ang limang namatay sa insidente. Habang nasugatan ang walo pang lulan ng van.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus.

Galing ang van sa Bicol at papunta sana sa La Union habang pa-Cubao, Quezon City ang bus.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved